Akala ni Jade Naive Guaren-Severa, sapat ang pagmamahal para manatiling buo ang isang relasyon. Akala niya, kaya nilang tuparin ang mga pangako nila—na mamahalin ang isa’t isa sa hirap at ginhawa, habang-buhay. Pero nasaan na ang lahat ng iyon ngayon? Once, she had everything she ever wanted. A loving husband, a happy life, a family they were supposed to build together. Pero ngayon, ang naiwan na lang sa kanya ay sakit, pagkaduda, at mga tanong na walang kasagutan. “Ako ba ang may pagkukulang? Hindi ba ako naging sapat? Mas mahal niya ba talaga ang babaeng ‘yon kaysa sa akin?” The woman who tore their world apart. The woman who pushed Jade down the stairs, causing her miscarriage, yet Azriel, blinded by anger and grief, chose her over Jade. The same woman who stole Azriel's heart and left Jade with nothing but broken promises. Nang muli siyang mabuntis, inisip ni Jade na baka may pag-asa pa. Baka sakaling maayos pa nila ang lahat. Pero imbes na yakapin ang panibagong simula, tinulak siya ni Azriel palayo. Sa halip na lumaban, binigyan siya ng divorce papers at tuluyang iniwan—kasabay ng lahat ng pangakong binitiwan noon. Lumipas ang ilang taon. Akala ni Jade, tuluyan na silang tapos. Hanggang sa muli silang pagtagpuin ng tadhana. Azriel is marrying his mistress, and Jade is hired to design their wedding gown. Ngayon, kailangang harapin ni Jade ang lahat ng nangyari. Handa na ba siyang magpatawad? O huli na ang lahat para bumalik sa dati?
View More"Congratulations Mrs. Sevara, you are 1 month and 1 week pregnant." Nakangiting balita sa akin ng Doctor, mapait akong napangiti bago humawak sa tiyan ko.
Hey little angel, are you really there? "Where's Mr. Sevara?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin, tumingin ako sa ibang direksyon para umisip ng isasagot ko. "Busy Doc, you know, Hospital and Company duties," Pagsisinungaling ko, pinipigilan na manginig ang boses ko para hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko. Mahina siyang tumawa bago iabot sakin ang tatlong pregnancy test na ginamit ko kanina. Hindi na rin ako nagtagal, may nireseta siyang vitamins na makakatulong daw sa pagbubuntis ko, dumeretso ako sa opisina ng asawa ko para ibalita ang magandang balitang ito, sa kabila ng nangyayari sa amin ay may karapatan pa rin naman siyang malaman na nagdadalang tao ako. "Good Morning Mrs. Sevara, are you looking for Mr. Sevara po?" Nakangiting salubong sa akin ng sekretarya niya pagkalabas ko ng elevator,, tumango ako bilang sagot bago umupo sa isang upuan sa labas ng opisina. "Sandali lang po." Pumasok siya sa loob para ipaalam sa asawa ko na nandito ako. "Mr. Sevara nandito ho sa labas ang asawa niyo," Rinig ko sa boses ng secretary niya, nakita ko naman ang pag tango ng asawa ko bilang sagot bago ako tuluyang pinapasok ni Hania, 'yon yung pangalan ng sekretarya. Tatlong beses pa akong napalunok bago kuhanin ang pregnancy test sa bag ko pero hindi ko pa tuluyang nakukuha iyon nang may ibagsak siyang papel sa harapan ko. "Kailan mo balak pirmahan?" Seryosong tanong niya habang seryosong nakatingin sa divorce papers, tinitigan ko 'yon bago umupo sa harap niya. "Wala na ba talaga Azi? Itatapon mo nalang ba talaga lahat ng gano'n gano'n lang?" I bit my lower lip to stop myself from crying. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko pero agad ko ring 'yong pinunasan. "Hindi na kita mahal, wag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Jade. Let's finish this—" "I'm Preg—" I tried to cut him pero agad rin akong natigilan nang bumukas ang pinto. "Hi Azriel! Missed me baby?" Si Monica, his mistress. Pinanood ko siyang yumakap at humalik sa pisngi ni Azriel, na animo'y wala ako rito, na animo'y wala akong pwedeng gawin habang nililingkis niya sa harap ko ang asawa ko. "Oh, hello there, Jade. Can't you just sign?" Matapang na aniya matapos ibaling sa akin ang paningin niya. Seryoso lang din na nakatingin sa akin si Azriel na parang wala siyang pake sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ayokong pumirma dahil gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang magiging anak namin, gusto ko na maayos kami hindi na para sa akin, gusto ko na lumaki ang bata na merong kinikilalang ama pero paano mangyayari 'yon kung si Azriel na mismo ang nagtutulak sa akin palayo? Kung siya na mismo ang nagpapa-mukha sa akin na kahit anong sabihin at gawin ko ay hindi na kami maaayos. Hindi ko malilimutan ang mga salitang binitiwan at ipinangako namin sa altar noong araw ng kasal namin, sa harap ng diyos at lahat ng mga kakilala namin. Kung saan siguradong-sigurado pa kami sa isa't isa, mahal na mahal niya pa ako at gano'n din ako sa kaniya. "To have and to hold, from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and health, until death do us part." Nasaan na ang pangakong binitiwan mo? Nasaan na ang lalaking minahal ko? Madiin akong napapikit bago kuhanin ang ballpen at tuluyan nang pirmahan ang divorce papers. Hindi kita kayang bitawan pero ilang beses mo nang pinapamukha sakin na mas mahal mo siya, na dapat na kitang bitawan dahil sa pagkakataon na ito, kahit hindi pa ako sumuko—ako pa rin ang talo. Why does this world need to be unfair sometimes? I'm always questioning myself, Where did we go wrong? Where did I go wrong? Alam ko na hindi ako nagkulang kaya bakit?YEARS BEFORE THE WEDDING"Oh ayusin mo yan Laurence!" Sigaw ko dahil manganganak na ang asawa nyang si Claire, paano ba naman nag panic, tinawagan pa kami sya 'tong doctor at ang sinabi pang dahilan sa amin e hindi naman daw sya marunong mag pa anak at bigla raw syang natakot sa dugo."I hate you Laurence!" Sigaw ni Claire habang hindi na malaman kung saan ba ilulugar ang sakit na nararamdaman nya."Pre, samahan mo sa loob yung asawa mo." Rinig ko kay sa boses ni Azriel, he's talking to Laurence.Nangangatog syang pumasok sa loob ng delivery room habang kami ni Azriel ay nag aantay lang dito sa labas."How's daddy Laurence?" Tanong ni Xavi habang tumatakbo palapit sakin, tinignan ko si mommy dahil sya lang naman ang nag dala kay Xavi dito sa Hospital."Mom, dapat nag video call nalang tayo." Sabi ko pero umiling sya."Tignan mo nga ang itsura nyan, iyak ng iyak yan oh." Sabi ni mama, tinawanan ko lang sya bago buhatin si Xavi, she's 7 years old."Uuwi rin naman kami, bakit ka raw umii
"Hi Monica!" Bati ko sa kanya, Nandito kami sa Sementeryo ni Azriel, umupo ako para mahawakan ang lapida nya."I really missed you, your evilness, your accent, your voice, kakainis ka naman, ang daya mo!" "Akala mo ba hanggang ngayon hindi parin ako maka get over doon sa Pregnancy test na binili ni Azriel, akala ko buntis ka nung time na 'yon, ang tricky naman kasi ng kilos mo, akala ko tuloy may nangyari na sa inyo ng kuya mo but still, you kissed him in front of me and hindi ko 'yon malilimutan." Pang aaway ko sa kanya, bahagya akong natawa nang may malamig na hangin ang dumaan sa harapan ko."We haven't sex, she's still my sister, Jade." Singit ni Azriel bago umupo sa tabi ko."Kaya nga akala ko meron e, bakit kasi ganoon kayo kumilos non? Pati saan mo ginamit yung pt? Ang tagal na nating nag balikan pero hindi mo parin binabanggit sakin kung saan mo ginamit ang pregnancy test na 'yon!" Pinanlakihan ko sya ng mata, he hugged me before kissed my forehead."Gusto mo bang gamitin?" T
"Xavier don't run!" Sigaw ko habang hinahabol ang anak ko, ang pangalawang anak namin ni Azriel.It's been 5 years since that happened, now we have Xavier, he's 2 years old.Sa loob ng dalawang taon ay walang ibang ginawa si Azriel kundi ang iparamdam sa akin na nag sisisi sya sa nangyari, na mahal nya ako ganon na rin ang anak namin, niligawan nya ako ulit, kaming dalawa ni Xavi hanggang sa makuha nyang muli ang tiwala ko, now we're planning to get married again for the second time but this time, wala ng makakasira samin, wala ng makakasira sa 20 years namin. "Mommy si Xavier ayaw tumigil!" Sumbong ni Xaviara, she's 9 years old.Parang ang bilis ng araw, ang bilis lumaki ng mga bata.Parang noong nakaraan lang ay nag uusap kami ni Azriel for what happened to us, naniniwala ako na lahat ng 'yon ay pag subok lang.15 years old kami ni Azriel noong simulan naming mahalin ang isa't isa, sinong mag aakala na hindi lang pala iyon puppy love hindi ba?"Anong iniisip mo?" Napabalik ako sa
"Puro ka kalokohan!" Inis na sabi ko habang patuloy parin sa pag bato."But honestly, hindi pa ako umuuwi kasi I want to talk to you seriously, Jade alam kong marami akong masamang nasabi sayo, and believe me lahat ng 'yon ay pinag sisisihan ko, I don't really know what happened and I regret na hindi kita pinakinggan that time." Napahinto ako sa pag bato dahil don, I want to hear his side, just for now, sa lahat ng nangyari nag focus kayo sa side ko so now, let him say his side."Go on." Sagot ko, isa isa kong pinulot ang mga nag kalat na unan, this past 5 months ay puro iyakan lang ang nanyari dahil sa pagkawala ni Monica, it hurts for him, for his family."I'm so sorry for everything what happened, hindi ko lang talaga kayang sabihin dahil baka pag sinabi ko sayo ang reason ko ay mas lalo kang hindi makipag hiwalay sakin, Jade I did that for my sister's happiness and look at her now, she's happy for us. Jade all I want is happy ending, happy family, and sabi nga sa kantang palagi na
Walang ibang ginawa si Azriel kundi umiyak ng umiyak, dumating na rin ang parents nila kahapon, sa mother side sila half siblings. Hindi ko iniwan si Azriel, hindi pa kami nag kakausap dahil nga inaayos nya pa ang pag papadala ng katawan ni Monica sa pilipinas. "Have some sleep." Paalala ko sa kanya, nilingon nya ako bago ko i abot sa kanya yung kape. "How are you? Nakatulog kana?" Tanong nya, tumango ako bilang sagot. "Umuwi ako kahapon, nag iiyak daw si Xavi." "How's her? Is she mad at me? Alam ba nya na hiwalay na tayo?" Tanong nya ulit, I tap his shoulder dahil may dumi doon. "No, hindi ko pa sinasabi." Sagot ko, napatingin ako sa kamay nya and I saw our wedding ring there. "Bakit suot mo yan?" Takang tanong ko, mahina syang tumawa bago hawakan ang kamay ko. "Bawal ba?" Tanong nya. "Bawal, hindi na rin naman tayo kasal diba?" Patanong na sabi ko. "Sino nag sabi?" Kunot noo ko syang tinignan dahil don. "Baliw ka ba?" Bulyaw ko sa kanya, tumawa ulit sya, ngayon
Nakasalubong namin si Laurence, taka nya pa kaming tinignan bago ako ngisian. "Totoo bang nandito si Monica?" Tanong ko kay Laurence, tumango sya bilang sagot. "Inaantay ata kayo, nakita ko kanina nakatingin sa pinto e." Sagot nya, umalis na rin sya dahil kailangan raw sya sa emergency room. "Monica, Jade is here." Rinig ko sa boses ni Azriel bago ako tuluyang pumasok sa loob, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, ang daming aparato na nakakabit sa kanya, naka oxygen at dextrose rin sya, halata rin na may sakit sya dahil sa lalim ng eye bag nya. "Good morning, Monica." She smiled at me bago paupuin sa tabi nya. "Kuya labas ka muna." Nakangiting sabi nya, lumabas naman agad si Azriel. Kuya? "Hindi ba Azriel ang tawag mo sa kanya?" Tanong ko, mahina syang tumawa dahil don. "Kaya nga kita gustong makausap." Sagot nya. "I'm his half sister." Panimula nya, ilang beses pa akong napapikit dahil sa gulat. "Is that true?" Gulat na sabi ko, nginitian nya ako bago tumango. Humi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments