Share

Kabanata 19

Author: Janijestories
last update Last Updated: 2025-07-02 20:53:46

Magkasabay kaming natulog ni Zila. Iyak siya ng iyak, dinamayan ko siya hanggang sa makatulog siya, nang makatulog siya ay sumunod na ako.

Nagising ako nang may narinig na kalabog sa labas, hindi sound proof ang silid nila Zila kaya rinig na rinig ko ang ingay mula sa sala.

Namumungay ang mata na gumising ako, tinignan ko ang tabi ko, wala na roon si Zila.

"Fuck!!!" Rinig ko sa labas.

Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari?

Kahit antok na antok pa rin ay bumangon ako upang makiusisa sa labas kung anong nangyayari. Chismosa ako ih.

"Where's my wife! Tell me where's my wife! Bakit paggising ko hindi siya ang unang nakita ko?!!" Sigaw ni Rexier ang bumungad sa'kin nang makarating ako sa salas.

Nakatalikod siya sa'kin habang ang mga guard ay nanlaki ang mga mata na tumingin sa'kin. Kunot ang noo ni Rexier nang lumingon siya sa kinaroroonan ko nang mapansin ang direksyon ng mga mata ng mga sinermonan niyang guard.

"Py! Baby!" Ang kunot noo niya ang napalitaan ng panlalaki ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 51

    WARNING 18+ RAXIER P.O.V "I miss my baby," mangiyak-ngiyak na saad ko sa tatlong guard na kasalo ko sa inuman. Mahigit ilang buwan na simula nang iwan ako ni Py. Hinanap ko siya, pero lagi akong bigo. Sumuko na ang mga detective na kinuha ko. Kahit anong gawin nila ay wala pa rin silang lead na nakuha kung nasaan si Py. Tuwing gabi ay inaaya ko ang mga guard ko na makipag inuman sa'kin. Hindi ako makatulog sa gabi, sa tuwing pinipikit ko ang mata ko ay mukha ni Py ang nakikita ko. "Boss, tawag po ng tawag ang ina niyo," saad ni Cy. Ininom ko ang alak sa baso, nilagok ko ito at pabagsak na nilagay ang baso sa mesa. "Hayaan niyo lang," tanging nasabi ko. Bumaling ang tingin ko kay Azul. "Kumusta na ang DNA?" Tanong ko. "Bukas po boss makukuha na namin ang papel na naglalaman ng DNA testing niyo ng bata," imporma niya. Tumango-tango ako sa naging turan niya. Nagsalin ako ulit ng alak sa'king baso at nilagok ito, napansin kong ako na lang ang umiinom, ang tatlong

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 50

    Bandang alas tres ng hapon ng dumating si Ryan. Tulad ng sabi niya kanina, may dala siyang bananacue at peanut butter. Malapad ang ngiti ko sa dala niyang pagkain. Pinapasok ko siya sa bahay at pinaupo sa kahoy na sofa. Dumating naman si lola Amora galing sa kanyang silid, nakangiti ang matanda mukhang nagkabati na ata sila ng kanyang iniirog."Oh na rito ka pala hijo." Aniya kay Ryan. Tumayo si Ryan at lumapit kay lola Amora upang magmano. "Ah magandanghapon po, donya. Binisita ko lamang po si Blaire, baka kasi nagugutom na siya at ang baby kaya nagdala na rin ako ng makakain nilang meryenda. Ikaw po? Baka gusto niyo pong kumain? May dala po akong bananacue." Magalang na saad niya sa matanda.Tinapik ni lola ang balikat ni Ryan saka umiling. "Hindi na, hijo. May lakad pa kasi ang lola ngayon, buti nga at na rito ka. Ikaw muna ang magbabantay kay Blaire."Umasim ang mukha ko sa sinabi ni lola Amora. At saan naman siya pupunta? Napapansin kong napapadalas na ang paggagala ni lola A

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 49

    Rexier P.O.V "F*ck! Where's my wife?!" Sigaw ko sa tatlong bodyguard na nasa 'king harapan. Nakayuko lang sila, walang imik. Ilang araw ko ng pinapahanap si Pytricia sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahanap-hanap ang babae. Nag-hire na rin ako ng mga investors pero ganoon din sila- wala silang nasagap na impormasyon kung nasaan man ang asawa ko. Sisigawan ko pa sana sila nang biglang may nag-door bell sa labas. Napahilamos na lamang ako sa sariling mukha dahil sa frustration na aking nararamdaman ngayon. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, I feel guilty, frustrated, and angry. Galit ako sa sarili ko. Umalis silang tatlo sa'king harapan at pinagbuksan ang taong nag-door bell. Nakasandal ako sa couch, pagod na pagod sa kakahanap kay Py. Py where are you? Gusto ko na siyang hawakan, yakapin, at makita ang napakaganda niyang mukha. Lalong-lalo na ang malaki niyang tiyan. "Rexy," saad ng isang boses na pamilyar sa'kin. Tamad na iminulat ko ang mga m

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 48

    Naudlot ang panonood ko ng b*ld ng biglang may tumawag sa'kin mula sa labas. "Inday!" Tawag sa'kin ni lola Amora. Kakarating lang niya mula sa bayan. Nagbihis ako. Pagkatapos ay kamot ang ulo na lumabas ako mula sa silid ko. Nakakainis naman kasi! Bakit ba parating wrong timing ito si Lola Amora. Nakakabitin siya sa panonood ko ih!Pagkalabas ko ng silid ay bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni lola Amora. Mukhang sumakses siya sa pamamalengke-slash sa date niya ngayon. Malapad ang ngiti ni lola Amora, animo'y nakapanalo sa loto. "Kunin mo 'to, kainin mo, para naman maging masustansya ang bata paglabas," saad niya saka inilahad sa'kin ang isang supot na may lamang mga prutas. Hindi paman ako nakapagpaalam sa kanya, nang bigla niya lang ako talikuran at pumunta siya sa kusina. Nagkibit-balikat na lamang ako, sanay na sa kanya. Basta't kinikilig ang matanda, wala na 'yang pakealam sa kanyang paligid. Binalatan ko ang orange. Umupo ako sa couch saka ini-open ang cellphone ko mul

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 47

    Bagot na bagot ako, mahigit dalawang buwan na akong namalagi rito sa probinsya. Wala akong ibang kasama kundi si lola Amora. Kinabukasan kasi matapos akong ihatid ni Cy dito ay umalis na rin siya para bumalik sa mansyon. Sa makalawang buwan ay lilipat kami ni lola Amora sa bayan, malapit na kasi akong manganak, malayo pa ang hospital dito sa probinsya kung saan naka tira si lola Amora kaya lilipat muna kami ng tirahan sa bayan para mas madali akong maisugod sa hospital kapag manganganak na ako. Nakakabagot siya, wala akong ibang ginagawa rito kundi ang manood ng tikt*k sa cellphone ni lola Amora, magbasa ng mga pocket book, at maglinis. Minsan ay napapaiyak ako sa tuwing naalala ko si Rexier, kahit anong gawin ko para makalimutan siya, hindi ko magawa. Nagpapaka-busy na ako pero wala pa rin, sa tuwing bakante ang utak ko, naaalala ko siya. Muli kong nararamdaman ang sakit na ibinigay niya sa'kin. Napapaisip tuloy ako kung kumusta na siya-sila ni Xyle? Siguradong masaya na

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 46

    WARNING 18+ Kagaya pala ni Cy, sa kagubatan din lumaki ang kambal. Taong gubat pala sila? Kaya rin siguro nag-body guard sila dahil bihasa na sila sa mga panganib. Natapos ang pag-uusap namin nang tumawag ang kambal kay lola. Nagpaalam akong umalis, ayaw kong makibalita sa kanila dahil baka madismaya lang ako sa'king malalaman. Inayos ko ang mga gamit ko sa silid kung saan ako pansamantalang matutulog. Dating silid daw ito ng kambal, halata naman dahil puro mga babaeng model ang nakapaslak sa pader. Napangiwi ako ng mapansing naka bikini ang mga babae na mukhang kinuha lang nila sa mga magazines. Nagsimula na akong mag-ayos. Hindi pa ako nakakalahati sa pag-aayos nang makaramdam ako ng antok. Hinimas ko ang tiyan ko. "Grabe ka naman, nak. Hindi pa nga lumampas ng isang oras, inaantok mo na si mommy agad," saad ko sa batang nasa sinapupunan ko. Hinunto ko muna ang paglilinis, inuna kong nilinisan ang kama kanina, dahil may hula na ako na makakaramdam ako ng antok.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status