Nang lumabas si Killian, lumapit ang doktor kay Claudette na noon ay nakahiga pa rin sa kama. Halata sa mukha ng babae ang pagod at takot, pero pinilit niyang ngumiti nang lumapit ang doktor.“Mrs. Nicolaj,” mahinang sabi ng doktor habang binabasa ang chart. “Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?”“Medyo nahihilo pa rin, pero mas okay na kaysa kanina,” mahinang sagot ni Claudette. “Si Killian po, umalis muna saglit?”Tumango ang doktor. “Oo. Sinabi ko sa kanya na kailangan mong magpahinga, kaya lumabas muna siya.”Tahimik lang si Claudette, pero halatang may gusto siyang itanong. Maya-maya ay huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita ulit.“Mrs. Nicolaj, may gusto sana akong pag-usapan nang seryoso. I hope you’re ready to hear this.”Nag-angat siya ng tingin. “Ano po ‘yon, Doc? May problema ba ulit sa puso ko?”“May isa pa akong natuklasan sa test results mo.” Sandaling tumigil ang doktor, parang nag-aalangan. “Buntis ka, Mrs. Nicolaj.”Nanlaki ang mga mata ni Claudette. Napasinghap
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-12 อ่านเพิ่มเติม