OBEY HIM 3 YEARS AGO "Ate, kailangan mo po ba talagang umalis?" naiiyak na tanong ko sa nakatatandang kapatid ko. "Oo Sep, kung dito lang ako magtratrabaho ay hindi natin mailalabas si lola sa hospital―mas lalo lang lalaki ang gastusin natin," sagot niya habang abala sa pagiimpake ng gamit niya. "Ate, pwede naman po akong huminto sa pagaaral, para matutukan ko po ang pagtatrabaho sa restaurant," suwestyon ko sa kanya pero sumama lang ang tingin niya sakin. "Hindi ka hihinto, Seraphina. Ayos na yung ako ang hihinto sa ating dalawa. Pagbutihin mo na lang ang pag-aaral mo. Pag nakahanap ako ng trabaho ay magpapadala agad ako, ikaw na ang magbayad ng gastusin ni lola sa ospital," pangangaral niya sa akin. Hindi na ako nakatanggi dahil tama naman lahat ng sinabi niya. Kinagabihan ay bumiyahe si Ate Sca, papuntang Maynila. Habang naiwan naman akong mag-isa sa bahay namin. Si Lola kasi ay nasa ospital pa at pwede lang siyang bisitahin tuwing umaga. Dahil half day lang ang pasok k
Last Updated : 2025-11-27 Read more