ESCAPE Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko nang magising ako. Hula ko ay wala pa atang isang oras ang tulog ko dahil magdamag na mulat ang mga mata ko. At kasalanan lahat nang yon ni Wesley kung bakit wala akong maayos na tulog. Nang lingunin ko siya ay mahimbing pa rin ang tulog nito, para bang komportableng-komportable siya. Kahit antok na antok na ako ay wala akong nagawa kung hindi bumangon mula sa pagkakahiga dahil rinig ko ang boses sa labas ng cabin namin, kaya naman na pagdesisyunan kong lumabas. "Good morning, Madam." Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harap ko ang babaeng naghatid samin sa cabin kagabi. Mukhang kanina pa ito nasa labas. "G-good morning," Balik na bati ko sa kanya. "The ferry has now arrived in Olbia, but feel free to go to the lobby for breakfast," Malaking ngiting sabi nito. "Okay...thank you," Saad ko. Pagkatapos magpaalam sa akin nang babae ay bumalik na rin ako sa loob para gisingin si Wesley. Wala na kaming oras para mag breakfast. Ba
อ่านเพิ่มเติม