DADDY ON DUTY KINABUKASAN, hindi ako nagising, dahil hindi na ako nakatulog pa! Halos 3AM na nung makatulog ang batang ito pero kahit anong gawin kong pilit sa pagbalik ng tulog ay hindi ko magawa. Kaya ang ending ay puyat ako. "Apo ko!" tili ni Mommy, and lumapit sa gawi ni namin, tamad ko naman siyang tinignan. "Mom, tumae yan, wag mo munang hawakan," asar kong sabi sa kanya. "Oww, edi hugasan mo na siya, baka mamaya umiyak pa yan eh," Saad ni Mom, nanlaki naman ang mata ko. "What? No! No! No! Not again!" madiian kong sagot sa kanya at naglakad paatras. "Ha? Aber sino bang gumawa sa batang yan diba ikaw? Kaya ikaw umasikaso sa kanya," sabi ni Mom at tumalikod. Para naman akong nanlumo mula sa kinatatayuan ko. "What the fuck?" bulong ko sa kawalan. Tamad akong umakyat papuntang kwarto ko. Pag pasok na pag pasok ko ay halos lahat ng pinamili ko para sa batang ito ay nasa kwarto ko na. Binaba ko muna siya sa lapag at pumunta sa cabinet. Pag bukas na pag buka
Last Updated : 2025-08-03 Read more