Nang makarating sila sa loob ng kwarto ni Kalix ay tiningnan kaagad ni Owen si Kalix. May mga apparatus na naman na nakakabit sa katawan nito.“Bakit ang dami na namang mga apparatus ang nakalagay sa kaniya? Hindi pa naman siya naooperahan.” Kuryosong tanong ni Owen. Tiningnan niya ang mga machine na nasa gilid ng kama ni Kalix.“Yung nakakabit sa dibdib niya, minomonitor ang puso niya. Yung nasa paa niya naman, sa saturation niya. Linya niya naman ang nasa kamay niya.” pagpapaliwanag ni Czarina. Napabuntong hininga si Owen saka niya hinawakan ang kamay ng pamangkin niya.“Lalakasan mo mahal namin ha? Lumaban ka dahil marami kaming naghihintay sayo na makalabas dito. Minsan ka nang lumaban, lampasan mo ulit yun, okay?” ani ni Owen. Biglang kumirot ang puso niya. Iba na pala talaga ang pakiramdam kapag isang magulang ka na. Hindi pa man naiisilang ang magiging anak nila ni Kayla pero tila ba ramdam niya na ang nararamdaman ng isang magulang.Nangilid ang mga luha ni Owen pero pinigilan
Last Updated : 2025-12-06 Read more