Pagdating ni Kayla sa isang pasyente niya ay matamis niya itong nginitian.“Hi, good morning.” Malambing niyang bati. Ngumiti naman ang pasyente niyang naka-oxygen dahil hirap itong huminga.“Good morning, tita doc.” Hirap pang sabihin ng bata. Bahagyang ngumiti si Kayla, nasasaktan siya sa kalagayan ng mga pasyente nila. Lalo siyang nagiging emosyunal dahil sa pagbubuntis niya.“Kumusta ka na?” tanong ni Kayla habang pinapakinggan niya ang puso nito.“Mabubuhay po ba ako?” hindi kaagad nakasagot si Kayla dahil nakafocus siya sa puso ng bata. Nang matapos siya ay inalis niya na ang stethoscope niya sa tainga niya. Hinawakan niya ang ulo ng bata at bahagyang ginulo ang buhok nun.“Basta kung gagalingan mo at makikinig ka sa aming lahat, okay?” tumango at ngumiti naman ang bata. Kahit nahihirapan ito sa paghinga, sumasagot pa rin siya.“Mommy, bantayan natin ng mabuti si baby ha? Kung may napansin kang pagbabago sa kaniya o hindi normal, tumawag ka kaagad ng nurse.” Baling ni Kayla sa i
Last Updated : 2025-11-30 Read more