Nang matapos ang celebration nila ay pumasok na sila sa kaniya-kaniyang kwarto nila. Lahat sila ay sa mansion na natulog dahil malalim na ang gabi ng mapagdesisyunan nilang matulog na at makapagpahinga ang pamilya ni Tyrone.“Love,” usal ni Kayla.“Hmmm,” ani ni Owen saka niya iminulat ang mga mata niya para tingnan ang asawa niyang nasa gilid niya.“Pwede bang dito muna tayo sa mansion tumira? Ayaw ko rin naman sanang iwan ang bahay natin pero nakakatuwa lang kasi yung ingay ng mga bata rito saka para bang iba yung ambiance ng mansion. Ramdam mo ba yun? Parang iba yung sigla at saya ng mansion eh. Kapag nandito ako marami rin akong nakakausap. Kapag sa bahay kasi, hindi ko naman pwedeng kausapin yung mga katulong dun para lang makipagkwentuhan.” Nakangusong sambit ni Kayla. Napapaisip naman si Owen. Kung sabagay, araw-araw niya lang din namang iniiwan ang asawa niya sa bahay nila dahil kailangan niyang pumasok sa kompanya.“Kung yun ang gusto mo, hindi naman kita tatanggihan, love.”
Last Updated : 2025-12-12 Read more