“Paanong hindi ako magseselos, eh lahat sila ay parang ayaw tayong maglapit sa isa’t isa. Panakaw na nga lang ako makayakap sa’yo, tapos kapag nahuli nila tayo, ako pa ang lumalabas na masama,” aniya, bakas pa rin ang tampo sa boses niya. “Ang hirap kalaban ng mga bata, wifey. Lagi akong talo,” dagdag pa niya, at mukhang maiiyak na. “Hoii, seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?” hindi makapaniwalang saad ko. Walang pagdadalawang-isip siyang tumango. “Kawawa naman ang asawa ko,” ani ko, muling marahang sinuklay ang kanyang buhok. “Kawawa talaga. Tuyo na ako. Last month, tatlong beses lang ako nakadilig sa’yo, tapos ngayong month… mukhang kahapon lang yata at hindi na masusundan,” dagdag pa niya. Mahina ko siyang tinawanan. Para bang iyan lang ang iniisip niyang problema. Pambihira talaga ang taong ito. “Kawawa ka nga talaga,” muling saad ko. Sinamaan niya ako ng tingin. “Paisa,” hirit niya. “Huwag na rito. Mabibitin ka lang,” kontra ko. “Mag-hotel na lang tayo mamaya,” aniya. “W
Last Updated : 2025-10-03 Read more