“Hindi tayo magkakasya,” tukoy niya sa sitwasyon namin sa ibabaw ng kama, parang may biro sa tono niya pero totoo ang sinabi niya—ang kama namin, kahit king-size, ay parang lumiliit kapag magkakasama ang lahat. “Malilikot ang mga ’yan, sigurado akong sisipain lang ako,” dugtong pa niya. “Pwede mo namang ilipat na lang si Spencer at Styler. Iwan mo na lang si Shiloh rito dahil alam ko, kapag ginalaw ’to ay magigising ito kaagad,” saad ko sa kanya habang pinagmamasdan si Shiloh na mahigpit pa ring kumakapit sa akin. “Sige,” tugon niya kaagad, at nakita ko kung paano niya marahan at maingat na binuhat si Styler mula sa gilid ko, halos dahan-dahan ang bawat galaw para hindi ito magising. Ako naman, hindi ko na napigilan na maipikit ang mga mata. Pagod na pagod ako sa paglilinis namin ng kwarto ng tatlo kanina. Dalawa kami ni Sire ang naglinis dahil wala nang natirang katulong sa amin kahit isa. Pinalitan namin lahat—iyong bedsheets, kurtina, mga unan, at marami pang iba dahil sa mga pi
Last Updated : 2025-10-04 Read more