**Court Verdict Scene, One Month Later** One month since we returned from Hawaii. One month of waiting, praying, and holding our breath. At ngayon, narito na kami sa loob ng mabigat at malamig na courtroom para litisin si Catherine Aries. Tahimik ang paligid, tahimik ang mga tao sa loob habang hinihintay na dumating ang akusado. Nailibot ko ang paningin sa loob ng courtroom. Unang napahinto ang aking mga mata sa may unahan. Napatingin ako kay Judge Gregorio Morales, isang matandang hukom na kilala sa pagiging istrikto at walang kinikilingan. Nasa kanyang kanan, ang court stenographer, abala sa pag-aayos ng recorder at mga dokumento. Nasa kaliwa naman niya nakapwesto ang clerk of court, seryosong nakamasid sa mga dumadating. Nasa kaliwang banda kami ng silid ni Sire, magkatabi sa gallery, kasama ng ilan sa mga kakilala naming saksi, ilang pulis, at mga reporter mula sa national media. Tahimik lang ang asawa ko habang katabi ko siya, pero ramdam ko ang mahigpit na kapit ng kamay
Last Updated : 2025-10-16 Read more