**Gabriel** “Daddy, hindi ba tayo dadaan sa Little Glam? Gusto kong bumili ng nail polish at make-up,” ani Nazts habang abala ako sa pagmamaneho ng kotse. Bahagya akong napatingin sa rearview mirror para silipin ang mukha niyang excited, may halong pangungulit at siyempre, para tingnan na rin si Razts na tahimik lang sa tabi niya, nakasandal at nakatingin sa labas ng bintana, tila malalim na naman ang iniisip. “Ang dami mo pang nail polish at make-up sa bahay, tapos bibili ka na naman,” mahinahong angal ko, pilit pinapakalma ang tono ko. “Pero ang papangit na noon, Daddy. Gusto ko na ng bago,” reklamo ni Nazts, sabay pout ng labi. “I want something new, Daddy. Please… bumili na tayo ng bago. Gusto ko ‘yung mas maganda pa kaysa sa binili ng Daddy ni Persia.” Napabuntong-hininga naman ako. Alam kong normal lang sa mga bata ang mainggit, pero itong anak kong si Nazts, ayaw talagang magpatalo, lalo na sa pinsan niyang si Persia. Si Persia, anak ni Clarenze, ang nakatatanda kong
Last Updated : 2025-10-18 Read more