“Dapat kapag nakuha mo na ang mana, huwag mo kaming kakalimutan ng mama mo, Elaine,” ani Cesario, nakahalukipkip pa habang nakasandal nang komportable sa sofa. “Oo naman, Pa. Ikaw pa ba,” tugon nito na parang may panata, sabay kindat pa sa ama. “Pupunta tayo sa ibang bansa at magbabakasyon doon. Bibili tayo ng mga gamit na gusto natin, at mamahalin talaga para mas lalo pang mainggit ang mga kamag-anak natin sa probinsya,” ani Elaine habang nagsisimula nang mag-edit ng kanilang mga litrato, nilalagyan ng filter at caption na sadyang pinalulutang ang kanilang kayabangan. “Anak, hingin mo iyong Lamborghini sa labas. Hindi naman magagamit iyon ni Conrado dahil bulag siya. Ibigay mo kay Henry, sigurado akong matutuwa siya,” ani Emelaine, bakas ang pananabik sa ideya na magkakaroon sila ng mamahaling sasakyang. “Sige, mamayang gabi. Kapag nagtanong si Conrado kung anong gusto kong gift, isa iyon sa hihilingin ko. Sigurado akong ibibigay niya iyon agad sa akin,” sagot ni Elaine, punong-p
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-20 อ่านเพิ่มเติม