Mas lalo inilapit ni Catherine ang sarili sa akin, walang pagdadalawang-isip na niyakap ako, kaya hinayaan ko na lang siya, kahit ramdam ko ang sobrang desperasyon sa bawat higpit ng kanyang mga braso. “Pagkatapos mailibing ang parents mo, magpakasal na tayo,” aniya. Naisipan ko naman siyang bahagyang ilayo sa akin. “Hindi pwede,” agarang tanggi ko. Seryoso niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang hindi siya basta-basta uurong sa sinabi niya. “Bakit hindi? May magagawa ka ba para tanggihan ako?” medyo nakaarko ang kanyang kilay sa sinabi niyang iyon, halatang puno ng kumpiyansa at panghahamon. “Kamamatay lang ng parents ko, Catherine, tapos kasal ang nasa isip mo?” naiirita kong ani sa kanya habang mabilis akong tumayo mula sa kama. Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng ulo ko. “Of course, ano pa ba ang dapat nating gawin pagkatapos ng libing nila?” saad niya, hindi alintana ang tono ko. Muli niya akong nilapitan, walang pakialam kung ayaw ko, at marahang hinaplos ang mu
Terakhir Diperbarui : 2025-08-28 Baca selengkapnya