LOGINMasaya nila akong kinantahan ng Happy Birthday. Ramdam ko ang saya sa bawat palakpak at sa bawat ngiti ng mga taong mahalaga sa akin. Matapos ang kanta, pinapikit nila ako, pinag-wish, at saka ko marahang hinipan ang mga kandila. “Kainan na ng totoong pagkain, dahil mamaya, pagkatapos ng birthday, iba na ang kakainin ng may mga asawa riyan sa tabi-tabi,” pabirong pagpapatama ni Vernon habang nakataas ang kilay. Agad namang napuno ng tawanan ang dining area. “Tama ba ako, Father Florentine?” dugtong pa niya habang inaakbayan ang kapatid ko. “Kawawa naman tayong mga single. Magpapakahirap pa tayong aliwin ang mga sarili natin.” Napailing na lamang si Florenze sa biro nito. “Mag-asawa na kasi kayong dalawa,” ani Gia habang abala sa pagsubo ng pansit palabok. “Ang dami-daming babae diyan. Kayo pa, sa mga mukha n’yo, imposible namang walang mahihibang sa inyo.” “Kapag nakapag-asawa na si Florenze, saka na lang din ako mag-aasawa,” sagot ni Vernon, may kasamang paggalaw ng kilay.
**Gabriel** Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Lakad doon, lakad dito ang paulit-ulit kong ginagawa sa likod ng stage. Kanina pa ako tumatawag kay Natasha pero walang kahit isang tawag ang sinasagot niya. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat segundong lumilipas. May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang sumisiksik sa dibdib ko, para bang may masamang mangyayari. “May nangyari ba sa kanya? Bakit hindi siya sumasagot?” pabulong kong tanong sa sarili ko habang mariing hawak ang cellphone ko. Nagsimula na ang programa. Ilang minuto na lang at ako na ang susunod na aakyat sa entablado para humarap sa mga investors, business partners, media representatives, at mga bisitang galing pa sa iba’t ibang bansa. Ang iba sa kanila ay CEOs ng international gaming studios, venture capitalists, at publishers na posibleng maging katuwang namin sa global distribution ng laro. Pero kahit gaano pa kahalaga ang event na ito, wala akong ibang iniisip kundi ang asawa ko. Inaasahan ko
“Aasahan ko ang pagdalo mo sa global game launching event dito sa La Vista Hotel,” text sa akin ni Gabriel habang bumibiyahe kami ni Raffy pauwi ng bahay. Kagagaling lang namin sa ospital; mag-isa akong nagpa-ultrasound. Hindi ko pa sinasabi sa asawa ko na buntis ako muli. Ang aming third baby ay 15 months pa lamang, tapos may kasunod na naman. Gusto ko siyang sorpresahin tungkol sa aking pagbubuntis. Birthday niya kasi ngayon, kaya mamaya, pagkatapos ng global launching event, saka ko sasabihin na may susunod na kay Gavrenze Jr. Agad akong nag-reply. “Oo naman. I won’t miss that important event,” sagot ko, may kasama pang heart emoji. “Huwag kang mala-late, mahal,” paalala niya. “Okayy,” reply ko lang. Napalingon ako sa driver nang bigla siyang magpreno at sabayan iyon ng malakas na busina. Bahagya akong napasandal sa upuan dahil sa gulat. Pagtingin ko sa unahan, nakita ko ang isang babaeng nakaharang mismo sa harap ng kotse namin. Nakataas ang kanyang kamay, at sa postura niya,
Two years later…“Let us welcome the designer behind those elegant and beautiful dresses. The beautiful and sophisticated, Natasha Ferrer Berden,” ani ng host habang sunod-sunod na rumarampa sa magarang runway ang mga modelong suot ang mga gown na ako mismo ang nag-design.Nakatayo ako sa gilid ng entablado, bahagyang nakakuyom ang mga kamay ko habang pinapanood ang bawat hakbang ng mga modelo. Isa-isa nilang inilalantad ang mga likha ko, mga dress na dinisenyo ko pa noong nakaraang taon. Hindi ko pa isinama ang mga pinakabagong disenyo dahil hindi pa tapos ang production ng mga iyon. Ang ilan ay wedding gowns na nangangailangan ng hand-beaded bodice, French lace, at Italian silk organza. Ang iba naman ay royal gowns na may mabibigat na embroidery, at custom-made boning structure. Alam kong mas magiging handa ang mga iyon para sa susunod na taon.Ang mga ilaw ng stage ay maingat na naka-focus sa bawat detalye ng tela. Kitang-kita ang fluidity, ang structured ng mamahaling tela, at ang
**Natasha** “Mommy!” magkasabay na sigaw ng dalawa kong mga anak nang makita nila akong kasama ng kanilang ama. Mabilis silang napalapit sa amin ni Gabriel, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, agad akong napaluhod upang salubungin sila. Mahigpit kong niyakap ang kambal. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang mga anak na inakala kong nawala na sa akin ay buhay na buhay, at yakap-yakap ko ngayon. Napahikbi ako, tuluyang bumigay ang mga luha ko habang niyakap ko sila nang mas mahigpit. Nang pilitin kong humiwalay, hinaplos ko ang kanilang mga pisngi habang basang-basa na ng luha ang mga mata ko. “Thank God, you are both alive. Akala ko ang dalawa kong munting anghel ay matagal na akong iniwan,” nanginginig kong saad, halos pabulong, na parang isang taimtim na panalangin. Pagkatapos ay napatingala ako kay Gabriel. “Thank you, Gabriel,” muli kong pasasalamat sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, wala na sana ang dalawang bata. Hindi ko na sana sila muling makikita pa kahit kailan. N
Habang bumibiyahe kami patungong San Miguel Mansiyon, panay ang tanong ni Florenze kung sino ang taong gumawa noon, ang taong asintado na bumaril kay Sullivan upang tuluyan na itong mawalan ng pagkakataong makatakas. Ayon sa paliwanag ni Florenze, wala siyang narinig na putok ng baril mula sa mga kapulisan na nasa ibabang bahagi ng lugar. Ibig sabihin, ang bala ay nagmula sa malayo, o posibleng galing sa isang highly trained sniper. Dagdag pa niya, siguradong hindi iyon kagagawan ng mga pulis dahil malinaw ang direktiba ni General Triaz na huwag papatayin si Sullivan. Kailangan sana itong buhay para sa imbestigasyon at mas malalim na pagbubunyag ng sindikatong kinabibilangan nito. Pareho kaming napaisip ni Florenze sa mga posibilidad habang si Gabriel ay nananatiling seryoso sa pagmamaneho. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, bakas sa kanyang postura ang pagod at bigat ng mga nangyari, ngunit malinaw rin ang determinasyon sa kanyang mga mata. “Huwag na nating isipin kung sino a







