“Kuya Sire, gising,” isang mahinang tinig ang narinig ko kasabay ng marahang pag-alog niya sa akin. Mabigat ang mga talukap ng mata ko, ramdam ko pa ang init ng alak na nanunuot sa sistema ko. Nakakulob ako sa kama, walang suot na pang-itaas, at ramdam ko ang lamig ng aircon na dumadampi sa balat ko. “Kuya, gumising ka nga!” aniya sabay palo sa likod ko. May inis na kasama ang boses niya, halatang kanina pa siya nagpapabalik-balik. “Uhm... ano ba, Shine?! I am sleepy. Just leave me alone!” asik ko sa kapatid ko, sabay irap nang maramdaman ko ang pagkasakit ng likod dahil sa palo niya. Inis ko siyang sinilip, halos pumikit pa rin ang isang mata ko dahil sa pagkahilo. “Lasing 'yong tao, iistorbohin mo pa,” reklamo ko habang garalgal pa ang boses ko. “Pinapatawag ka ni Daddy sa baba. Kapag hindi ka bumaba, ipapakaladkad ka niya!” inis na saad niya. Kita ko sa mukha niya ang pag-irap bago siya tumayo at tumalikod. Napatihaya naman ako at napatitig sa kisame. Nahihilo pa rin ako, para
Terakhir Diperbarui : 2025-08-22 Baca selengkapnya