VANILLA “Ano pa ang hinihintay mo. Matulog ka na. Kahit kaunting idlip lang dahil mamaya, maaga din tayong aalis pabalik ng Manila. Nagmessage sa akin si Mommy kanina at hinahanap daw tayo ng mga bata.” Muli nitong wika. Wala na siyang nagawa pa kundi ang dahan-dahan na naglakad patungo sa kama at naupo sa gilid nito “Teka lang, don’t tell me na matutulog kang ganiyan ang suot mo?” bibwelo na sana siya sa paghiga nang biglang nagsalita si Zakari. Suot niya naman ngayun ang gusto yatang pakialaman. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapasimangot " Zakari, kung gusto mong matulog, matulog ka na. Huwag mo na akong pakialaman, pwede? Mind your own business!:” yamot na wika ni Vanilla kay Zakari. Isang mahinang pagtawa ang kumawala sa lalamunan ni Zakari pero hindi na siya nag-abala pang sumagot. Hangat maaari, ayaw niyang inisin si Vanilla. Baka mamaya, bigla na lang itong lumabas ng kwarto eh. May balak pa naman siya ngayung gabi kaya dapat lang na magpakabait siya. Sobrang nami
Last Updated : 2025-08-02 Read more