VANILLA “Ahmm, sarap naman nito, Hon!” hindi niya na mabilang pa kung ilang beses niya nang narinig ang katagang iyun mula sa bibig ni Zakari. Actually, wala namang special sa niluto niya. Isa iyung stir fry beef broccoli. Iyun lang ang nakaya niyang iluto ngayung gabi lalo na at pareho na silang inaantok. Wala din sana siyang balak na bigyan ng rice itong si Zakari dahil gabi na nga pero nagrequest ito at heto ito ngayun, parang gutom na gutom na ganadong kumakain. “Hon, dahan-dahan lang. Baka mamaya ma-impatsu ka. Gabi na at mahirap matulog ng busog.” Nakangiti niyang sagot dito. Hindi na siya nagrice. Kontento na siya sa stir fry broccoli lang. “Starting today, ito na ang paborito kong pagkain, Hon!” nakangiti nitong sagot sa kanya at talagang dumukwang pa at binigyan siya ng halik sa labi. Hindi niya naman mapigilan ang mapangit. Sobrang lambing ni Zakari at sana panghabambuhay na ito. Sana, hindi na ito magbabago. “Well, kung gusto mo ng ganitong pagkain, once a week ki
Last Updated : 2025-08-05 Read more