Pagkatapos ng palabas, muling napuno ng ingay at sigawan ang buong teatro. Tumayo ang mga tao habang pumapalakpak, at maririnig ang mga salitang “Bravo!”, “Ang galing ni Elira!”, at “Ang chemistry nila ni Marco, totoo!”Ngumiti si Elira, bagaman halatang pagod na. Sa likod ng bawat papuri ay naroon pa rin ang bigat ng emosyon na hindi niya mailarawan, isang halo ng saya, kaba, at isang uri ng sakit na hindi niya maintindihan.“Congratulations, Elira!” sabi ng director nila habang niyakap siya. “You did amazing! The critics are going to love you.”“Salamat po,” sagot niya, mahina ngunit may halong taos-pusong pasasalamat.Katabi niyang tumayo si Marco, todo ngiti habang binabati rin ng mga tao. Sanay na sanay ito sa mga ganitong sandali, kaya’t walang pag-aalinlangan nitong hinawakan muli ang kamay ni Elira, nagpose sa harap ng mga camera, sabay bulong, “Smile. This is our moment.”Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mga mata ang ngiting iyon. Habang nakikipagkamay siya sa mga bisita, m
Последнее обновление : 2025-10-09 Читайте больше