"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila habang naluluha. Nilapitan nila kami ni Draken para batiin at yakapin."Anak, congratulations!" bati ni Mama at saka ako hinalikan sa pisngi. Napayakap ako sa kaniya at sa kapatid kong si Matthew."N-Nagplano kayo?" tanong ko habang nauutal sa paghikbi."Oo. Kahapon lang kami nag-prepare para dito. Kasama ako, si Aileen, Von, Charlie, Dianne at Karen. Talagang effort para sa espesyal na gabing 'to, ate," sagot ng kapatid kong si Matthew."Alam na namin ni Madrid, anak, pero tahimik lang kami," sagot naman ni Mama."Congratulations ulit, ate!" pagbati ni Matthew at muli ko silang niyakap."Yehey! Mabubuo na ulit kami!"Halos tumalon-talon na sa sobrang saya si Madrid habang pumapalakpak. Agad niya kaming niyakap ng Papa niya at hinalikan sa pisngi."This is the best night!" sabi niya."Kami ng bahalang tumupad sa wish mo, anak; ang magkaroon ng buo at masayang pamilya," sambit ko kay Madrid."And soon, we'll give you a little brother and
Last Updated : 2025-09-18 Read more