"Tuloy ka, hijo," sambit ni Mama at siya na ang nagpatuloy rito."Mama, why is he here?" tanong ng anak ko."He wants to meet you all, anak. Friend ko rin siya," sabi ko."Ate, totoo ba? Pinsan niya si Kuya Draken?" paninigurado ni Matthew kaya tumango naman ako sa kaniya bilang sagot.Nagpunta ako sa dining area kung saan nakapwesto sina Mama at Richard."Matagal na pala kayong magkakilala ng anak ko. Balita ko nga e in-offer-an mo siya ng trabaho. Salamat," saad ni Mama."Don't mention it. Anyway, I have gifts for you, guys. Here," sabi pa ni Richard at saka inabot kina Mama, Madrid at Matthew ang mga ito.Binuksan nila 'yon at nakita nila ang mga laman."Salamat dito, ha? Mukhang mamahalin itong shoes. Nag-abala ka pa, pero salamat," sabi ni Mama.Nang buksan naman ni Matthew ang regalo, nakita niya ang isang helmet ng motor habang kay Madrid naman ay mga laruan."Thank you but I stopped playing toys now," sabi ng anak ko at saka nginitian si Richard."Oh, sorry. Your mom told me t
Huling Na-update : 2025-09-06 Magbasa pa