"Okay, gagawin ko. After no'n, anong next na gagawin?" tanong ko pa sa kanila. "Kapag may matibay na dahilan yung Clinton para hindi matuloy ang kasal, saka natin ipasasabi sa Daddy mo and sa parents no'ng lalaki." "What if gusto pa rin nilang ituloy?" tanong ko. "Then left the life you both have with Clinton... if gusto niyong maging malaya sa isa't isa, then kung hindi naman, kayo na ang bahala. Choice niyo na 'yan," sagot ni tita Rama. Kahit na hindi pa namin nasisimulan ang plano, kinakabahan na ako. Parang napakaimposible na magtagumpay kami. "Ano? Mukhang nag-aalangan ka, ah?" tanong ni Janice. "Hmm... medyo, pero gusto kong makasama si Richard, so I'll try my best," sabi ko sa kanila at napangiti silang pareho. "Teka, baka naman after nating gawin 'to, ayawan pa rin ako ni Richard... lalo na if totoo ang theory mo, tita, na may banta siya mula kay Dad." "Kami na muna ang bahala sa kaniya. Paaaminin namin siya. If wala namang gano'ng nangyari, mas mapapadali 'tong p
Last Updated : 2026-01-14 Read more