“Grabe! Ang tindi mo pala, Roxane!” bulong ni Dark sa mismong punong tainga ni Roxane, sabay kindat na parang nanunukso. “Nahiya naman ako sa ‘grabe’ mo! Mas grabe ka nga—kung anu-ano pang posisyon ang pinapagawa mo sa’kin! Minsan feeling ko ginagawan mo na ako ng gymnastics routine!” natatawang balik ni Roxane, sabay kurot ng marahan sa tagiliran ni Dark, dahilan para mapapikit ito sa gulat pero pigil na pigil ang tawa. “Hahaha! ‘Wag kang maingay, baka marinig nila tayo,” saway ni Dark, habang pilit pinipigil ang sariling matawa nang malakas. “Okay lang ‘yan! Ano ka ba? Mag-asawa tayo, kaya walang problema! At kung marinig man nila… at least may free entertainment sila,” biro ni Roxane, sabay irap na may kasamang ngisi at bahagyang pagtaas ng kilay, na para bang nananalo sa asaran. Sa gitna ng tawanan nila, tuluyang naglaho sa isipan ni Roxane ang kaninang seryosong usapan nila ni Mr. Nathaniel. Lahat ng atensyon niya, kay Dark na lang. Naging mas mapusok ang damdamin niya, a
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya