Uhm… uhm… uhm… paubo-ubong sabi ni Mrs. Vellama na nasa likuran nila Dark at Roxane. “Baka sa paghaharutan niyo yan ee magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari,” malumanay na sabi ni Mrs. Vellama, na ngayon lang narinig ni Roxane. “Pakitang tao talaga si Mama ni Dark… na Mama ko ba talaga ito?! Iwan bahala na nga,” sambit niya sa sarili, halatang may pilyang magaganap sa isip ni Roxane. “Total, mabait ka rin naman pala… lulubusin ko na ito!” dagdag pa ni Roxane sa sarili, sabay lapit kay Mrs. Vellama at iniwan ng mag-isa si Dark. “Mama…” tawag ni Roxane, sa malambing na tinig na may konting kapilyahan, na ikinakunot ng noo ni Levie at ni Mrs. Sebastian. Si Dark napapangiti lang sa kapilyahan ng asawa. “Wag mo akong dikitan, lumayo ka sa akin,” bulong ni Vellama habang nakangiti kunwari, dahil nakaharap sa kanya ang pamilya Sebastian at ang anak niyang si Dark. “Mama… naman, wag ka nang mahiya! Pamilya kaya tayo rito!” pangungulit ni Roxane, may kasamang kunwaring seryosong mukh
Terakhir Diperbarui : 2025-08-18 Baca selengkapnya