Sa gitna ng dilim, hingal na hingal si Roxane habang pilit niyang hinahabol ang dalawang batang anino. “Clairox! Roxiel!” paulit-ulit niyang sigaw, nanginginig ang kanyang boses sa takot. Ngunit sa bawat hakbang niya ay lalo lamang lumalayo ang kambal, parang hinihigop ng dilim ang kanilang maliliit na katawan. Humahampas ang malamig na hangin sa kanyang mukha, mabigat ang kanyang mga paa, ngunit hindi siya tumitigil. Habang papalayo nang papalayo ang mga ito, naririnig pa rin niya ang tawanan nila na unti-unting nagiging alingawngaw ng kawalan. “Hintay lang! ‘Wag kayong umalis!” halos mapatid siya sa kanyang pagtakbo, nangingilid ang kanyang luha. Ngunit sa huling iglap, naglaho ang mga batang anino sa harap ng kanyang mga mata—at doon siya biglang nagising. Napabalikwas siya mula sa kama, basang-basa ng pawis, hinahabol ang sariling hininga. Nanginginig ang kanyang kamay habang pilit inaabot ang walang laman na gilid ng kama, para bang naroon pa rin ang mga munting kamay na dati n
Last Updated : 2025-09-19 Read more