Habang abala si Roxiel sa pakikipaglaro at pakikipag-usap sa mga bata, biglang bumukas ang pinto ng isang silid sa gilid ng ampunan. Mula roon ay lumabas ang isang magandang dalaga, nakasuot ng desenteng bestida na kulay gatas ng niyog, malinis at maayos. Ang kanyang mukha ay bakas ng inosente at mahinhin na kagandahan, may ngiti sa labi na tila nakakapawi ng pagod. “Sigurado ka bang dito ka muna pansamantalang titira, hija?” tanong ng madre sa dalaga, si Madre Belen, na halatang nag-aalala ngunit may halong pag-aaruga sa kanyang tinig. “Opo, Madre,” sagot ng dalaga habang mahinhin ang kanyang ngiti. “Kahit dito na po ako tumira kung gugustuhin ko. Buti pa rito… mas tahimik. Walang masyadong problema, walang mga ingay na nakakasakal sa isip. Para bang ligtas ako rito.” May bahagyang lungkot sa kanyang tinig, ngunit bakas din ang kagustuhan na makahanap ng kapayapaan. Tumango si Madre Belen. “Ikaw ang bahala, hija. Kung saan ka payapa, susuportahan kita.” Maya-maya’y napalingon siya
Last Updated : 2025-10-02 Read more