Ay! Aray! Abuse ‘to ah!” biro ni Clairox, kunwaring nasaktan, pero humahagikhik pa rin. “Grabe ka, partner. Sa lahat ng training mission na nasalihan ko, ito lang ang may kasamang suntok at basag na gamit!” “Kung hindi mo ako partner, Clairox, kanina pa kita isinumbong sa HQ,” sagot ni Steffie, pero ngayon ay nakangiti na rin. Sabay silang napahinto sa gitna ng pasilyo—parehong hingal, parehong tawa, parehong nabawasan ng inis. “Pero… Partner!” nakangising sabi ni Steffie, habang tinuturo ang gulo sa loob ng Room 204. “Ikaw na magpaliwanag sa mga nabasag ko, ah! Kasalanan mo rin naman kasi iniwan mo ako sa room na ‘yon!” Napamulagat si Clairox, halos mapaturo pa sa sarili. “Ha?! Ako?! Ako pa talaga?!” aniya, sabay hawak sa dibdib na kunwaring nasaktan. “Eh ikaw kaya ang may karate mode bigla! ‘Yung mesa, pinagsabuyan mo ng flying kick!” Ngumisi lang si Steffie, sabay kindat. “Details, partner, details. Basta ikaw na magpapaliwanag kay Sir Garry!” At bago pa makasagot si Clai
Last Updated : 2025-10-04 Read more