Napagpasyahan nina Roxiel at Elicia na doon na lang sila sa likod-bakuran ng bahay-ampunan kaysa lumayo pa, lalo na’t gabi na rin. Tahimik ang paligid ng ampunan. Sa likod-bakuran, may maliit na mesa, dalawang baso, at isang bote ng murang alak na halatang tinago pa ni Roxiel sa likod ng lumang kabinet ni Sister Alma. Nakaupo sina Elicia at Roxiel, nakaharap sa buwan na tila nakikinig din sa bawat buntong-hininga nila. “Cheers,” sabi ni Elicia, sabay taas ng baso. “Para sa lahat ng kalokohang pinagdaanan ko ngayong araw.” “Cheers,” sagot ni Roxiel, sabay ngiti. “At para sa tapang na kahit umiiyak na, may lakas pa ring ngumiti.” Sabay silang tumagay. Mapakla, mainit, pero may kakaibang ginhawang hatid sa malamig na gabi. Huminga nang malalim si Elicia, sabay tiningnan ang baso sa kamay. “Alam mo, Roxiel… pagod na ako. Hindi sa katawan, kundi sa pakiramdam. Kanina, nung sigawan ko sina Mama at Papa… parang may parte sa akin na nabasag.” Tahimik lang si Roxiel. Pinakinggan niya, hi
Last Updated : 2025-10-14 Read more