Nanlaki ang mga mata ni Emerson, ang kanyang ama, sa narinig. Biglang bumigat ang paligid, at ang dating katahimikan ng mansyon ay napalitan ng malalakas na tibok ng mga pusong pinapanday ng galit at takot. Si Mr.V, na nakamasid mula sa dilim, ay napahawak sa dibdib—ramdam ang bawat salitang binibigkas ni Elicia, at ang sakit na dinadala nito. “Ano?!” malakas na sigaw ni Emerson, sabay hampas ng kamay sa mesa. “Bakit bigla kang nagbabago ng isip, Elicia?! Hindi ka na puwedeng umatras! Handa na ang lahat! Pag umatras ka, tuluyan nang mawawala ang kompanya natin—mapupunta iyon sa mga Alvariz!” Ang tinig ng ama ay umalingawngaw sa buong silid, puno ng galit at takot. Ang mukha nito ay namumula, ang mga kamao’y mahigpit na nakasara. Si Veronica naman, ang ina ni Elicia, ay tila napako sa kinatatayuan, nanginginig ang labi habang pinipigilan ang sarili na umiyak. “Papa, hindi ko po kayang pakasalan ang taong iyon!” sigaw ni Elicia, habang ang tinig niya’y basag na basag. “Hindi ko po
Last Updated : 2025-10-17 Read more