Share

76.

Author: Batino
last update Huling Na-update: 2025-08-08 15:06:54

Malalim na ang gabi ngunit tila lalong tumitindi ang pananahimik sa loob ng kwarto ni Roxane. Sa tabi ng kanyang kama, mahimbing nang natutulog si Lyka, bahagyang nakayuko at mahigpit pa ring nakakapit sa dulo ng kumot ng kaibigan. Nakalapat ang kanyang ulo sa gilid ng kama, dala marahil ng labis na pagod sa pagbabantay buong araw.

Ang kanyang paghinga ay banayad, tila musika sa gitna ng katahimikan. Isang simpleng sakripisyo ng tunay na kaibigan.

Dahan-dahang iminulat ni Roxane ang kanyang mga mata. Bahagya siyang nagkuskos ng pilikmata at agad tumingin sa wall clock na nakakabit sa ibabaw ng pintuan—alas-dos na ng madaling araw. Napabuntong-hininga siya, isang malalim at mabigat na paghinga na tila pilit itinatago ang lungkot na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.

Lumingon siya sa paligid. Sa kabila ng katahimikan ng silid, ramdam niya ang ingay sa loob ng kanyang isipan—mga tanong na walang sagot, mga pangakong tila naglaho sa hangin. Marahan siyang tumayo sa kama, ingat n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Batino
Opo opo... nagsusulat palang...
goodnovel comment avatar
Batino
Wait lang po... Nagsusulat palang
goodnovel comment avatar
Batino
Hahahahahahaha Uuwi na si Fafa Golden Sperm ni Roxane.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   120. Kambal!

    Sa Lawa “T-tulungan niyo akoooo… ahhh! Tulungan niyo akooo!”paulit-ulit na sigaw ni Beth sa gitna ng lawa. Pilit siyang kumakampay, bawat iglap ng braso’y puno ng desperasyon, nagbabakasakaling may makarinig at makapitan siya upang makaalis sa mapanganib sa lawang pinagdalhan sa kanya. Ngunit wala, kahit isa ay walang naglakas-loob o nagkataong mapadpad sa lawa upang tulungan siya. Tahimik ang paligid, tanging malamlam na pagkislot ng tubig ang gumagalaw, waring nakikisama sa kanyang paghihirap. Hanggang sa tuluyan na siyang nanghina—ang mga braso niyang may tama ng bar*l ay halos wala nang silbi. Bawat pilit na kampay ay nagdudulot lang ng hapdi at bigat na parang hinihigop siya ng malamig na lawa. “Oh Dyos ko, Lord… kayo na po ang bahala sa kanila… mukhang hanggang dito na lang ang buhay ko!” umiiyak na sabi ni Beth, nanginginig ang tinig at nangingilid ang luha habang nilulunod siya ng kawalan ng pag-asa. Sa huling pagkakataon, dumaan sa kanyang isipan ang mga mahal niya sa b

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   119.

    “Anong nangyayari diyan?! Anong putok iyon?!” sigaw ni Master A, halatang may kaba at inis ang kanyang boses. “Sh*t! Nabaril nila ang matanda! Sir… anong gagawin natin?” tanong ng isa, nanginginig ang boses habang tulo ang pawis dala ng nerbyos. “Huh"?Aaaayyyy’, Bwisit! Bakit niyo binaril ang matanda?!” sigaw ni Master A, halos mabasag ang pandinig ng lalaki. Mariin niyang pinagsisigawan ang mga tauhan niya, nanginginig ang panga sa sobrang inis. “Itapon niyo na siya kahit saan! Siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo, kung hindi pati kayo, pagbabayaran n’yo sa akin ito!” “Opo, Master A…” mahina at nanginginig ang tugon ng tauhan ng lalaking mag hawak sa telepono, pilit itinatago ang matinding takot sa dibdib. “Oh,Diyos ko… baka pati kami madamay sa ginawa mo! sigaw ng Driver. Sabay pinaharurut ang sasakyan. Alam ko kung saan natin siya itatapon! “Kailangan natin siyang itapon sa lalong madaling panahon!” saad ng pangalawa, halos hindi maitago ang kaba sa tinig.

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   118.

    “Hindi ko matiis na hindi ko makita ang asawa ko. Pupuntahan ko siya,” bulong ni Dark, ramdam ang bigat sa dibdib at bahagyang pag-aalala sa kanyang tinig. Paglabas niya ng silid, nakita niya si Levie at si Mrs. Sebastian. Nakatayo sila—kausap si Vellama. Nasa tabi rin nila ang malalaking bagahi na dala nila nung dumating sila. “Aalis na siguro sila. Mabuti na rin iyon, kasya umasa siya sa akin,” bulong ni Dark, at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas. “Dark Nathaniel! Saan ka pupunta? Hindi ka naman ba sasaglit dito para magpaalam sa kanila?” tawag ni Vellama sa anak. “Kainis,” sagot ni Dark, napapailing. “Uunahin ko pa ba sila kesa sa asawa kong kagabi ko pa namimiss!” “Fine… huling araw na rin naman nila ito. Aa, nga pala, Drick, ihanda mo yung kotse at aalis kami ni Roxane. Araw kasi ngayon ng OB checkup niya,” utos ni Dark sa kanyang alalay bago siya lumapit sa kanyang ina. Sabay baling sa pamilyang Sebastian. “Aalis na po ba kayo ngayon?” tanong ni Dark, kunwaring m

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   117.

    Inay… sana hindi na matapos ang araw na ito. Ewan ko ba jan kay Dark, may pa-surpresa pa siyang nalalaman. Nakangiting sabi ni Roxane habang kumakain, kita ang kislap sa kanyang mga mata. Tulala naman si Beth na nakatitig lamang sa anyo ni Roxane. Masaya siya? Dapat ba kitilin ko ang kasiyahang nararamdaman niya? Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, ang takot na baka magaya si Roxane sa naging kapalaran ng ina nito. Tahimik na bulong niya sa sarili, habang pilit na ikinukubli ang pangamba. “Nay… tulala kayo, kanina pa ako salita nang salita e.” Pagmamaktol ni Roxane, sabay pout ng labi. "huh“Haha… sorry naman, anak.” Sagot ni Beth, pilit na ipinapakita ang ngiti. “Mahal mo ba talaga si Dark? Akala ko ba e wala sa bokabularyo mo ang pag-aasawa? Bakit naman biglaan at wala pa talaga ako sa mismong wedding niyo?” Pagtatampo kunwari ni Beth, ngunit sa loob-loob niya’y may kirot na hindi kayang ipakita. “Ay, ’yun nga po, Inay. Si Dark kasi… siya ang may kasalanan kung bakit kami nag

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   116.

    “Anong balita kay Aling Beth?” tanong agad ni Dark pagkakita pa lang kay Drick na papalapit sa kinatatayuan niya. Ramdam sa tono ng boses niya ang pagkabalisa, ramdam ang bigat na gumugulo sa kanyang isipan. “Okay naman ang lahat doon, Sir. Wala kang dapat ipag-alala dahil wala namang ibang makakapasok doon kundi kayo at ako lang.” sagot ni Drick, pero hindi nakaligtas sa kanya ang lalim ng titig ni Dark—parang naghahanap ng kasiguraduhan. “Wala ka bang napansin na kasama ni Aling Beth sa private house?” tanong muli ni Dark, halatang hindi kontento sa sagot. May halong kaba at pagtataka ang kanyang tinig. “W-ala naman, Sir… bakit bigla n’yo po natanong? Alam n’yo naman na siya lang ang naroon,” tugon ni Drick, may bakas ng pagtataka sa mukha. Humugot ng malalim na hininga si Dark, hindi maitatago ang pagkadismaya. “Ahmmm… pansinin mo ang CCTV na nasa sala. Kanina ko pa hindi makita ang nagaganap roon dahil tinakpan niya ang CCTV sa sala.” Saad niya habang halos nakadikit an

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   115.

    “Pa-papakawalan niyo na ba ako? Nakapag-desisyon na ba si Dark na pakawalan ako at paalisin kami ni Roxane sa pamamahay na ito?!” nagaalangang tanong ni Beth. Pero sa isip niya, naroon ang takot na baka biglang magising si Roxane o kaya naman ay maalis ang takip sa buong katawan nito at makita na lang siya ni Drick. “Wala bang nangyaring kakaiba rito nung nawala bigla ang ilaw?” tanong ni Drick kay Beth, na sa unang tingin ay parang walang alinlangan. Nagulat si Beth, mabilis ang tibok ng dibdib. “Huh?! Ba-bakit? May nangyari bang hindi maganda sa loob ng Villamonte?” Saglit na napakurap si Drick, bahagyang pinawisan ang kanyang sentido. “H-huh? W-wala naman, Madam Beth… gusto ko lang makasiguradong ligtas kayo rito.” Medyo nanginginig pa ang tinig niyang puno ng kaba habang sinasabi iyon. Sabay na lang itong nagpaalam kay Aling Beth, na para bang pilit iniiwas ang kanyang mga mata upang hindi mahalatang may tinatakasan. “Aalis na po ako… pinuntahan ko lang kayo para malaman

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status