Nick’s POVNanigas ang buo kong katawan nang makita kong biglang nahulog si Audrey sa falls. Para akong nabingi, wala akong narinig kundi ang malakas na pagdagundong ng tubig at ang matinding tibok ng puso ko.“Jessica!!” sigaw ko. Para akong binalik sa nakaraan. Parang binuksan ang sugat na matagal ko nang pilit na tinatakpan. Limang taon ng bangungot, nakikita ko si Jessica sa panaginip ko, lumulubog, nilalamon ng dagat, habang ako’y walang magawa. At ngayong muli kong nakikita ang parehong eksena, ramdam kong muling, nadudurog ang kaluluwa ko.Pero ngayon… hindi ko hahayaang mangyayari kung ano ang nasa aking panaginip.Bago ko pa maisip ang takot, tumalon ako. Malamig at malakas ang agos, pero wala akong pakialam. Ang tanging nasa isip ko, si Audrey, I need to save her.Doon, sa ilalim ng tubig, nakita ko siya. Nakapikit, walang malay, lumulubog palayo sa akin. Ang buhok niya’y sumasayaw kasabay ng agos, para siyang unti-unting nawawala sa aking paningin.“Audrey…” bulong ko sa i
Last Updated : 2025-08-23 Read more