Sage’s POVNanlaki ang aking mga mata. Ang tibok ng puso ko na kanina pa kalmado ay biglang nag-iba ng ritmo, mabilis, malakas, at puno ng pagkagulat. Halos hindi ko siya makilala.Elena?Nakalaylay ang kaniyang buhok sa malalambot na kulot, bumabagay sa isang Itim na gown na hapit sa kaniyang katawan. Ang kaniyang tindig ay puno ng poise, at ang kanyang mga mata ay tila nagniningning sa ilalim ng mga chandelier. Wala na ang tactical gear at ang lansa ng gabi, wala na ang angas. Ang nakikita ko ngayon ay isang banyagang reyna sa gitna ng mga halimaw.Nagdilim ang paningin ko nang makita kong nakaangkla ang kanyang kamay sa braso ni Emilio Lacraso, ang babaero at gangster na anak ni Mr. Lacraso. Ang kanyang presensya sa tabi ng lalaking iyon ay tila isang insulto sa lahat ng pinaghirapan ko para protektahan siya.Anong ginagawa mo rito? Nakita kong natigilan siya nang makita ako, ngunit pinilit niyang kumalma at ngumiti sa lahat.Pinanlakihan ko siya ng mata, isang tahimik na sigaw
Read more