LOGINSage’s POVMula sa madilim na bintana ng kotse ni Ron, pinanood ko ang bulto ni Elena sa gitna ng kalsada. Kahit na nababalot siya ng dilim, damang-dama ko ang kaniyang nagngangalit na aura. Ang bawat kilos niya, ang padabog na pagkuha sa helmet, ang marahas na pagsabit nito sa motor, ay tila mga sigaw ng pagrerebelde na tumatama sa aking pandinig.Nang makita ko ang kaniyang repleksyon sa side mirror, hindi ako nagkamali. Isang matalim at nakakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin, kasunod ng isang mapanghamong eye roll na tila ba sinasabing wala siyang pakialam sa aking posisyon.Napahigpit ang kapit ko sa aking tuhod. Gusto kong mapangiti, pero pinigilan ko ang aking sarili. Matigas talaga ang ulo mo, Elena.Sa totoo lang, kung wala ang putok ng kanyang sniper rifle kanina, baka hindi na ako ang nakaupo rito ngayon. Alam ko na utang ko sa kanya ang hininga ko sa gabing ito. Ang kaniyang "I was worried about you" ay tila isang mainit na haplos sa aking pagod na puso, isan
Elena’s POV“I was worried about you…” Ang mga salitang iyon ay kusang kumawala sa labi ko, hindi napigilan ng aking lohika.Nakita ko ang panandaliang pagguho ng kaniyang matigas na anyo. Isang pamilyar na kislap ng emosyon ang dumaan sa kaniyang mga mata, pagkagulat, marahil ay kaunting paglambot, pero bago ko pa man iyon tuluyang mabasa, mabilis itong nilamon ng dilim.“Worry is a luxury you can’t afford in this business,” malamig niyang sabi.Ang kaniyang mukha ay tila bakal na muling hinubog sa apoy, walang emosyon, walang bakas ng pasasalamat.“Nilabag mo ang protocol. Inilagay mo sa panganib ang ospital dahil sa pansarili mong desisyo
Elena’s POVMabilis kong pinihit ang preno. Ang gulong ng motor ay humiyaw sa aspalto, lumilikha ng makapal na usok bago kami tuluyang huminto ilang metro mula sa naglalagablab na sasakyan ni Agila. Hindi pa man ganap na humihinto ang makina, mabilis nang lumundag si Sage.Tumakbo siya patungo sa wasak na sedan. Nakita ko ang bawat ugat sa kanyang leeg, ang panginginig ng kanyang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa baril.Ang kanyang aura ay hindi na sa isang tagapagmana, siya ay naging isang hayop na uhaw sa dugo.Mabilis akong sumunod, ang aking mga mata ay alerto sa paligid habang hawak ang aking armas. Nang makalapit kami sa sasakyan, ang amoy ng sunog na goma at laman ang sumalubong sa amin. Sumilip kami sa loob.
Sage’s POV"TSAK!"Napakurap ako dahil Isang muffled shot ang umalingawngaw mula sa isang anggulong hindi ko inaasahan.Ang shooter sa taas ay hindi man lang nakakalabit ang gatilyo. Ang kaniyang ulo ay biglang humampas sa rehas bago siya tuluyang bumagsak mula sa plataporma. Patay na bago pa tumama sa sahig.Napatigil ang lahat sa panig ng kalaban. Maging ako ay natigilan, ang puso ko ay tila sasabog sa bilis ng pintig. Mula sa madilim na bahagi ng catwalk sa itaas, isang pamilyar na bulto ang lumabas mula sa anino.Ang kaniyang buhok ay bahagyang
Sage’s POVLumabas ako ng suite ni Papa nang hindi lumilingon. Ang bawat hakbang ko sa tiles ng ospital ay tila selyo ng isang hatol. Sa bawat segundong lumilipas, nararamdaman ko ang paglamig ng aking pakiramdam, isang pamilyar na numbness na nararamdaman ko tuwing kailangan kong maging isang halimaw para sa pamilyang ito.Pagdating ko sa parking lot, mabilis kong pinaandar ang makina ng aking kotse. Ang ungol nito ay tila tugon sa nagngangalit kong kalooban.Pinaharurot ko ang sasakyan, binabaybay ang kalsada patungong South Port habang ang mga ilaw ng siyudad ay nagiging malabong guhit na lang sa aking paningin.Kinuha ko ang aking earpiece at ikinabit ito."Ron, I'm five minutes away," matigas kong sabi.
Sage’s POVMabilis kong pinaharurot ang sasakyan sa maluwag na kalsada. Pero bago ako tuluyang bumalik sa ospital, dumaan muna ako sa aking condo. Kailangan kong magpalit. Ang suot kong "Thor" costume kanina ay punung-puno na ng dugo ng lalake sa underground at amoy ng pawis at galit.Iniwan ko si Ron sa safehouse para sa patuloy na hanapin ang kuta ni Agila.Habang nagbibihis, tumingin ako sa salamin. Ang mga mata ko ay pagod na, pero ang alab ng determinasyon ay hindi pa rin namamatay.Isinuot ko ang isang simpleng itim na shirt at leather jacket, magaan, madaling kumilos, at madaling magtago ng armas.Pagdating ko sa ospital, sinalubong ako ng mas mahigpit na seguridad. Bawat kanto ng floor ni Papa ay may nakat



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



