Namilog ang mga mata ni Lyra nang makita niya ang dami ng pinamili ni Carlos. Mga grocery, gatas, vitamins, at kung anu-anong gamit para sa sanggol — mga feeding bottle, lampin, at maliliit na kumot na unisex ang kulay. "Binili mo lahat 'to?" tanong ni Lyra, halos hindi makapaniwala habang isa-isang sinusuri ang laman ng mga paper bag. Natawa pa siya nang makita ang isang maliit na bonnet. "Ang liit-liit pa nga ng tiyan ko." "I told you, willing akong magpaka-tatay kahit hindi sa akin 'yan," sagot ni Carlos na may kasamang ngiti, bago siya lumapit at marahang niyakap ang babae mula sa likuran. Inilapat niya ang kamay sa maliit na umbok ng tiyan ni Lyra. "Kung may kailangan ka, o kung may cravings ka, sabihin mo lang sa akin. Ako na ang bahala. Bibilhan kita kahit anong oras. I will spoil you, Lyra. Huwag mo nang iisipin ang asawa mong walang ibang ginawa kundi saktan ka." Napayuko si Lyra, hindi maitago ang emosyon sa boses. "Thank you, Carlos… sobra." "Alam mo, kahit hindi ko kaan
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya