Malakas ang ulan, halos hindi na makita ni Elias ang kalsada sa dami ng patak na bumabagsak. Pero wala siyang pakialam. Kahit mabasa at magkasakit siya, handa niyang harapin lahat para lang makausap si Lyra. Dalawang buwan na mula nang huli niya itong nakausap at mula noon, puro katahimikan na lang ang isinukli ng babae. Kahit anong regalo o bulaklak ang ipapadala niya, lahat iyon ay tinanggihan ni Lyra. Pagdating niya sa bahay, halos hindi na siya makakilala sa sariling anyo. Basang-basa, nanginginig, at walang dalang kahit anong proteksyon. Huminga siya nang malalim bago tinawagan si Lyra. “Lyra… please, sagutin mo naman ako,” pakiusap niya nang marinig ang boses ng asawa. Ngunit ang sumunod na tinig ni Lyra ay puno ng sakit at poot. “Elias, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo? Kahit lumuhod ka pa sa harap ng bahay na ‘to, hinding-hindi na kita babalikan! Hindi ko kailangan ng pera mo para buhayin ang anak ko. Oo, Zillionaire ka—pero Elias, ang pagmamahal, hindi nabibili ng pera
Last Updated : 2025-08-19 Read more