"Ayos ka lang ba?" tanong ni Elias, may nakakalokong ngiti sa labi habang hawak pa rin ang palad ni Lyra. Kakalabas pa lang nila sa condo unit ng dalaga, pero kapansin-pansin ang mabagal na kilos ni Lyra habang naglalakad. Napakunot-noo si Elias. "Masakit pa rin ba?" "Tumigil ka nga," sagot ni Lyra, pero hindi maitago ang pagngiwi niya. "Alam kong miss mo ako, Eli… pero parang sisirain mo yata ang pagkababae ko." Napahalakhak si Elias. “Pasensiya na, Mrs. Montero. Kung hindi mo lang sana ako pina-tengga ng ilang linggo, hindi sana ‘yan namamaga ngayon.” Umirap si Lyra habang inis-inisang tinulak ang braso ng asawa. “Ewan ko sa ‘yo! Ang pilyo mo talaga.” “Alam mo naman, sa’yo lang ‘to,” bulong ni Elias, sabay kindat. “Hindi ako ganito sa iba. Special treatment lang ‘yan, Mrs. Montero.” Pagdating nila sa kotse, pinagbuksan siya ni Elias ng pinto gaya ng dati. Gentleman kung gentleman. Pero alam ni Lyra na sa likod ng gestures ng lalaking ito, may nakatagong manyak din. Pagkapasok
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya