RENZO’S POV Kinabukasan, pumasok ako sa hospital na para bang may kaunting pag-asa pa sa dibdib ko. I just needed to see her. Kahit saglit lang. Kahit isang tingin lang. Gusto ko lang makasiguradong okay siya, na gising na siya, na andoon pa rin siya. Pero paglapit ko sa nurses’ station, parang may mabigat na batong lumapag sa sikmura ko. “Sir Navarro,” anang nurse. “Inilabas na po si Ms. Alvarado. Her family took her home earlier this morning.” “Anong oras?” I demanded, my voice tight. “Past 6 AM po. Her father arrived with security.” Napakuyom ako ng kamao ko. Tangina. Bakit sya inilabas? Magaling na ba sya? Hindi ko man lang siya nakausap. I turned and walked out, each step heavier than the last. Pagdating ko sa parking, gusto ko nang sumigaw. Gusto kong basagin ang windshield ng kotse ko. Pero wala akong ginawa. Umupo lang ako sa driver's seat, staring blankly ahead habang gumugulong pa rin sa utak ko ang imahe ni Celle sa hospital bed—pale, fragile, tahimik.
Huling Na-update : 2025-07-19 Magbasa pa