Maaga pa lang, gising na si Renzo. Narinig ko ang mga yabag niya sa hallway papuntang nursery. Ilang segundo lang, sumunod na ang pamilyar na tawa ng munting babae—ang boses na bumago sa buong mundo ko. “Papa!” sigaw ni Isla, ang anak naming apat na taong gulang, habang sinasalo siya ni Renzo mula sa kama nito. Ngumiti ako, kahit nakapikit pa. Ilang taon na ang lumipas pero bawat umaga, parang blessing pa rin. Hindi pa rin nawawala ‘yong kilig. ‘Yong tahimik na pasasalamat. Dati, gising ako sa sakit, sa trauma, sa guilt. Ngayon, nagigising ako sa tawa ng anak ko. Sa halik sa noo. Sa init ng umagang wala nang tinatago. Maya-maya, bumukas ang pinto ng kwarto. Si Renzo, buhat si Isla, sabay may hawak na tray ng almusal. “Look, Mommy, we made pancakes!” excited na sabi ng anak naming kamukhang-kamukha niya—may dimples at mapanuksong ngiti. “Wow,” sabi ko habang tumatayo. “Ganito ba kasarap ang buhay?” “Mas masarap pa,” bulong ni Renzo, sabay halik sa gilid ng labi ko. AFTER BREA
Terakhir Diperbarui : 2025-07-22 Baca selengkapnya