Share

Ch. 41: Flirting

Author: Aria Stavros
last update Last Updated: 2025-08-26 16:14:07

Natatakpan naman ng tablecloth ang mesa kaya walang ibang nakakahalata sa mga nangyayari sa ilalim.

Si Yohan naman ay nakatitig lang kay Chloe ng ilang segundo. At nang makita niyang wala itong balak kumilos, bigla niyang hinila palapit ang upuan nito.

“Bakit ang layo mo naman sa akin?” pabiro niyang sabi pero may diin sa boses niya, sabay naman lagay ng isang pirasong sweet and sour pork ribs sa mangkok ni Chloe. Agad namula ang pisngi ni Chloe. Tiningnan niya si Yohan na parang gusto na niyang pagalitan 'to, pero may halong inis at kaba sa mga mata niya.

Sa kabilang side naman, hindi nakatiis si Winona at napairap nalang, saka marahang napasinghap. Alam niya na ginagawa lang ni Yohan iyon para ipakita sa lahat kung gaano siya ka-close kay Chloe.

Kumuha rin si Winona ng ulam at inilagay iyon sa mangkok ni John. “Di ba favorite mo ‘to? Sige, dagdagan mo pa.”

Tinapunan siya ng tingin ni John pero wala lang itong imik. May kung anong kakaiba kay Winona ngayong gabi na hindi niya ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 65: Rich future

    Pero bago pa makapagsalita si Chloe, umusog na si Yohan sa unahan niya, diretsong paharang kay Winona. Masyado nang malapit si Winona. Hindi siya magtataka kung bigla itong umatake. “May pwede pa ba akong gawin na kahit ano sa itsura kong ganito?” napangisi si Winona, na may halong pait. “Mukha ba akong may lakas pang manakit?” Pagkasabi niya nun, tinaas niya ang tingin kay Yohan. “Kuya Yohan, bakit mo pa ako pinapunta rito?” Hindi sumagot si Yohan. Imbes, tumingin siya kay Adjutant Lu. Sumaludo si Lu, saka inulit nang malinaw para marinig ng lahat: “Kanina, sinabi ni Mrs. He na pumunta siya sa lumang bahay ngayong hapon. Sinubukan daw niyang kumbinsihin si Miss Winona na umalis at umiwas, pero ayaw raw niya. Nag-usap sila nang mahigit sampung minuto, na silang dalawa lang.” Napa 'oww' naman ang buong hall. Parang biglang walang kumurap. Parang ang klaro naman nun na pinagplanuhan nila. Tumingin si Winona kay Yohan nang mariin. “Since alam mo naman na ako ang may utos… bakit m

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 64: Poverty

    "Come over as soon as you're ready," sabi ni Chloe, sabay tango. Pagbalik niya sa tabi ni Don Lancaster, marahan itong nagtanong, "Dumating na ba sina Francine at Jin?" "Oo, nandito na po. Na-delay lang kanina," sagot ni Chloe. "Good," huminga nang maluwag si Don. Malakas ang bagyo sa North City, malamang hindi makakauwi si Yohan ngayong gabi. Pero marami ang inimbitahan para sa gabing ito. Kung hindi dumating sina Francine at Jin, baka isipin ng tao na may alitan ang dalawang pamilya. Hindi niya iniintindi ang mga tsismis ng iba. Pero si Chloe, bata pa. Hindi pa sanay sa mga ganyang pang-uusap ng tao. Maya-maya pa, dumating na sina Francine at Jin sa main table. Saka lang tuluyang gumaan ang loob ni Don. Nasa kalagitnaan na ng banquet nang humingi ng mikropono si Mr. Edu, isa sa pinaka-importanteng elders ngayong gabi. Maikli niyang ipinaliwanag ang biglaang snowstorm sa North City. Kakapasabi niya lang na malamang hindi makakauwi si Yohan sa oras, nang nagsimula na ang bulun

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 63: God of wealth

    “That’s right!” nakangiting sabi ni Mrs. He, pero halatang may tusok ng pang-aasar sa boses nito. “Otherwise, baka isipin ng lahat na ang sungit mo naman!” Ramdam ni Chloe na bawat salitang binibitawan ng babae ay may halong panlalait. Hindi siya sumagot; binuksan lang niya ang wallet at sinilip ang laman.Kaunti na lang, mga ilang daang piso na lang ang sukli sa loob. Mukhang malaki na ang talo ng babaeng dapat niyang pinalitan.Dalawang beses lang siya nakapaglaro ng mahjong noon, bata pa siya. Ngayon, halos hindi na niya maalala ang tamang galaw. Medyo mabagal siya kumilos kumpara sa tatlo pang kasabay.Ilang ulit siyang sinulyapan ni Mrs. He, tapos bahagyang ngumisi, parang nananadya. Halatang wala siyang balak tumulong; gusto lang niyang mapahiya si Chloe.Maya-maya, tumawa nang malakas si Mrs. He at tinapik ang mesa. “Panalo na naman ako! All the same color! Naku, Chloe, ikaw talaga ang suwerte ko, little god of wealth!”Ngumiti lang si Chloe kahit halata ang pamimilit. “Sabi k

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 62: Homecoming

    Pagdating ni Chloe sa downtown, mabilis niyang kinuha ang mga gamit na kailangan niya bago tumuloy sa isang maliit na tindahan sa Silangan ng Cebu City, isang lumang shop na kilala sa pag-aayos ng mga antigong gamit. Buti na lang, bukas pa ang tindahan. Naalala ni Chloe ang matandang may-ari nito, bihasa sa pagre-restore ng mga antigong bagay. Minsan na siyang nakapunta rito noon, at nang pumasok siya, halos walang pinagbago ang loob ng tindahan, pareho pa rin ang ayos ng mga istante, pati ang mga lumang palamuti. Pagbukas ng pinto, tumunog ang maliliit na wind chime. Napalingon ang matandang lalaki sa likod ng counter. Ngumiti si Chloe at lumapit, sabay abot ng jewelry box sa kanya. “Manong, maaari po bang ipaayos ito? Kailangan ko sana ngayon din kung kaya.” Binuksan ng matanda ang kahon, tumingin saglit, saka marahang nagsalita. “Ito ba, gusto mong ipalagay itong ginto sa mga basag na bead ng imperial green?” “Oo po,” mabilis na tugon ni Chloe, sabay tango. Pinagmasdan

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 61: Important

    “Within a week,” malamig pero may ngiting sabi ni Yohan, “gusto kong makita sa dyaryo ang balita tungkol sa pagkansela ng engagement ng pamilya n’yo at ng mga Sanchez.” Tumahimik naman ang buong kwarto. Ang bawat salita ni Yohan ay parang hatol. “Siguro,” dagdag niya, bahagyang ngumiti, “kapag nakita ng matanda kong ama na ayos na ’yon, baka gumaan din ang loob niya at makalimutan na ang nangyari.” Nanlaki ang mata ni Zalde, halos hindi makapaniwala sa narinig. “Y-Yohan…” nanginginig niyang tanong, “pwede ko bang malaman kung bakit? Bakit kailangang umabot sa ganito?” “Walang dahilan,” sagot ni Yohan. “Kaibigan ko si John. Ayokong mapahiya si Chloe dahil sa magiging asawa niya. Simple lang.” “Simple?” halos tumatawa sa inis si Zalde. “’Yun lang ba talaga?” Ngumiti si Yohan nang bahagya, pero ang ngiting ’yon ay parang tinik sa lalamunan. “Simple? Kapag ang magiging asawa ko ang binastos, hindi na simpleng usapan ’yan.” Nang marinig iyon, tumingin si Chloe sa kanila. “Actuall

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 60: Slap

    Hindi na maitatanggi, basang-basa ng pawis ang likod ni Winona sa loob lang ng kalahating minuto. Ramdam niya ang malamig na lagkit ng tela sa balat habang pilit siyang ngumingiti, isang ngiting mas pangit pa kaysa sa iyak. “Kung ayaw naman ni Ate Chloe na samahan ako, ‘wag na lang,” mahina niyang sabi. “Winona,” sabi ni Don Lancaster nang walang gaanong emosyon, “simula’t sapul gusto mong makita ‘yung kwintas, ‘di ba? Eh ‘di pumunta ka na.” Tumikhim si Zalde, at sumang-ayon, “Oo nga. Kung gusto mong makita, tingnan mo na.” Ngumiti si Chloe. “Walang problema. Hindi naman ako ganun kaselan.” “Hindi ko naman sinasabi na—” Ngunit bago pa makatanggi si Winona, malamig na nagsalita si Yohan, na kanina pa tahimik, “Aling Helen, butler, samahan n’yo siya. Pumunta kayo ngayon.” Agad natahimik ang buong hapag. Parang biglang lumamig ang paligid. Napatinginan si Aling Helen at ang tagapamahala ng bahay. Hindi na sila naghintayan pa, tumayo agad sila at halos magtakbong pumunta sa likod

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status