Pagbalik ni Stella sa bahay niya, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier na siya mismo ang pinili sa Paris, bago pa siya maubusan ng pera. Sa labas, iniisip ng mga kapitbahay na mas lalo pa siyang yumaman; walang nakakaalam na halos wala na siyang maipambayad sa kuryente. Sa sala, nakaupo si Susie, nagbibilang ng natitirang pera sa maliit na kahon. “Ate, kung ganito lang ang kita natin sa susunod na buwan… wala na.” Hindi sumagot agad si Stella. Sa halip, tiningnan niya ang sariling repleksyon sa malaking salamin. Pinagmasdan niya kung paano pa rin siya maganda, kaakit-akit — at iyon ang magiging sandata niya. “Si Hunter,” sabi niya sa huli, na para bang iyon ang solusyon sa lahat. “Ate, hindi ka na nga pinapansin noon masyado… tapos ngayon—” “Kasi pinabayaan ko,” putol niya. “Pero ibabalik ko yung dati. Alam mo ba, noong sila pa ni Claudine, kahit may asawa pa siya… baliw na baliw sa akin si Hunter. Ginagawa niya lahat ng gusto ko. Ngayon…
Terakhir Diperbarui : 2025-08-15 Baca selengkapnya