STELLA Pinagmasdan ni Stella si River na abala sa pag-aalaga ng kanyang lola. Lalong napapamahal si Stella kay River lalo pa't napakabait talaga ng binata. At isa pa, napakaguwapo nito. Kung si Hunter, bad boy ang datingan ng kaguwapuhan, si River naman ay good boy. "River, puwede ba kitang tulungan sa pag-aalaga ng lola mo?" sabi niya sa binata nang lapitan niya ito. Umiling si River sabay ngiti. "Hindi na. Ako na ang bahalang mag-alaga kay lola. Hindi ako sanay na may ibang taong nag-aalaga sa kanya. Depende na lang kung iyong caregiver niya talaga. Salamat pero ayos lang. Ako na lang." Tumikhim si Stella. Naiinis siya. "Talagang ayaw mong maging close tayo sa isa't isa, 'no?" "Hindi naman sa ayaw ko pero alam kong hindi lang iyon ang gusto mo. Alam kong mas higit pa roon, tama? Well, I'm sorry pero si Claudine ang gusto ko. Ang mahal ko," may diing sabi ni River. Kinuyom ni Stella ang kanyang kamao. "Asawa pa rin siya ni Hunter dahil kasal pa rin sila. Sa mata ng bata,
Last Updated : 2025-07-30 Read more