Sumunod na araw, tahimik na nakaupo sina River at Stella sa mahabang bangko sa ilalim ng punong mangga. Ang ihip ng hangin ay malamig at tanging huni ng mga ibon ang naririnig. Sandaling naghari ang katahimikan bago muling nagsalita si Stella. “Ang laki ng pinagbago mo, River,” mahina niyang sabi, nakatitig sa mga kalyo sa kamay nito. “Mas lalo kang gumuwapo at mas naging matikas. Pero alam mo, sa kabila ng lahat ng ‘yon, ikaw pa rin ‘yong simpleng River na nakilala ko.” Napangiti si River, pilit pero totoo. “At ikaw… ang dami mong pinagdaanan. Kita ko sa mata mo, Stella. Hindi ka na ‘yong babaeng dati mayabang, palaban, matigas ang ulo. Para kang mas mahina ngayon.” Napayuko si Stella, bahagyang natawa pero halata ang pait sa tinig. “Mahina? Siguro nga. Pero alam mo, River, kahit ilang taon ang lumipas… hindi nagbago ‘yong nararamdaman ko.” Natigilan si River. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baso ng tubig at tumingin kay Stella. “Stella…” Tumulo ang luha ni Stella bago
Last Updated : 2025-08-31 Read more