Dalawang araw matapos ang lahat ng nangyari sa ospital, nakauwi na si Claudine. Nakaayos ang maliit na bahay, malinis at maaliwalas, may mga bulaklak pa sa mesa na bigay ni Hunter. Ang bawat galaw niya ay maingat pa rin—mahina, pero unti-unti nang bumabalik ang sigla. Nasa sofa siya nakahiga, nakabalot sa kumot, habang abala si Hunter sa kusina. Ilang sandali lang, dumating si River dala-dala ang mga prutas at vitamins. “Clau!” bungad ni River, diretso sa kanya, parang walang ibang tao. “Eto oh, paborito mong apples. Nakakatulong ‘yan para mabilis kang gumaling.” Bago pa makasagot si Claudine, nagsalita si Hunter mula sa kusina, malamig ang tono. “May prutas na rito.” Napalingon si River at ngumiti ng pilit. “Oo nga, pero iba pa rin ‘to. Freshly picked. Hindi tulad ng mga nabibili lang sa supermarket.” Pinilig ni Claudine ang ulo, halos mapatawa sa tensyon na bumabalot. “Huwag nga kayong magbangayan. Parang mga bata.” Lumapit si Hunter, dala ang tray ng mainit na sabaw. Marahan
Last Updated : 2025-08-19 Read more