CHAPTER 15 —Maaga pa lang, gising na si Luna. Weekend dapat kaya pwedeng magpahinga, pero sanay na ang katawan niyang gumising ng alas-sais. Tahimik ang bahay, maliban sa mahinang tunog ng electric fan mula sa kwarto ng anak.Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at lumakad papunta sa silid ni Callyx. Bukas ang ilaw, pero walang tunog ng cartoons o music. Kaya’t maingat siyang sumilip sa pinto.Nakita niya ang anak—nakaupo sa maliit na mesa malapit sa bintana, suot ang paborito nitong Spider-Man pajama. May hawak itong brown na lapis habang abala sa pagdu-drawing gamit ang box ng Crayola."Anak, gising ka na pala," bati ni Luna, nilalambingan ang tono habang papalapit."Mommy, I'm drawing po," sagot ni Callyx nang hindi inaalis ang tingin sa papel.Umupo si Luna sa gilid ng kama. Lumapit ng kaunti para silipin ang artwork ng anak. Isang simpleng family portrait—may araw, bahay, ulap, puno. Pero ang pinaka-kapansin-pansin ay ang dalawang karakter lang na nakaguhit: isang babae at bat
Terakhir Diperbarui : 2025-07-20 Baca selengkapnya