CHAPTER 35 – Tuesday, 6:38 PM Ang langit ay kulay kahel, waring naghahabol ang araw sa paglubog. Sa isang exclusive estate sa Tagaytay ay kilalang pribado at malayo sa mata ng publiko, huminto ang itim na SUV na minamaneho ni Chase Yu. Wala masyadong dumadaan doon. Tahimik, malinis, at luntian. Isang lugar na hindi maaabot ng tsismis, kamera, o kahit ng pinaka-mabilis na gossip blogger sa social media. Sa likod ng sasakyan, nakaupo si Luna Herrera. Tahimik, naninigas ang katawan, at hawak pa rin ang bag sa kandungan. Hindi siya agad pumayag nang ipasundo siya ni Chase. Ilang beses niya itong tinanggihan. Pero sa huli, nanaig ang pangangailangang harapin ang dapat harapin. She needed clarity. She needed answers. And she needed to put Damon Blackwell in his place—once and for all. Nang bumukas ang pinto, isang assistant ang sumalubong. Pormal ang bihis, walang name tag, walang kangiti-ngiti. “Please follow me,” sabi nito. Luna stepped out, heels clicking softly on the stone
Last Updated : 2025-07-31 Read more