CHAPTER 22. —Mabigat ang mga hakbang ni Luna palabas ng therapy room. Parang may nakapatong na bato sa dibdib niya na hindi niya maalis kahit anong pilit. Bitbit ang clipboard na hindi man lang nasulatan, dumaan siya sa reception at tumango kay Nica, ang kanilang admin, bago dumiretso sa kanyang opisina.Pagkapasok niya, isinara niya ang pinto at doon na siya napasandal, mariing pinikit ang mga mata.He knows.Hindi direkta, hindi tiyak, pero nararamdaman niya. Si Damon Blackwell ay hindi isang ordinaryong lalaki. Matalas, mapagmasid, at hindi basta-basta nagpapadala sa sirkumstansya. At ngayon, ang instinct nitong iyon ang pinaka-kinatatakutan niya.Lumapit siya sa kanyang mesa at kinuha ang framed photo nina Callyx at Nanay Rina. Pinagmasdan niya ang masayang ngiti ng anak, ang inosenteng mga mata nito na tila walang kamalay-malay sa bigat ng lihim na binubuhat ng kanyang ina araw-araw.“Anak, hindi ko hahayaan na maagaw ka ng kahit sino. Kahit siya pa 'yon,” mahinang usal ni Luna
Last Updated : 2025-07-24 Read more