Isabelle “Hello there. Kailangan kitang makausap, Isabelle.” “Wala ka talagang hiya, ano? Pumunta ka rito para guluhin ang kaibigan ko. Wala ba kayong planong mag-day off mag-ama?” singit agad ni Jackie bago pa makapagsalita ulit si Stephanie. Hindi nila ako titigilan, tama ako. “Isabelle, kung hindi lang mahalaga ‘to, hindi ako magpapakita sayo. Pakiusap, pakinggan mo lang ako,” sabi ni Stephanie, kunwari pa ay umiiyak at pilit nagpapakabait sa boses. “Hinding-hindi. Lumayas ka rito at tigilan mo ang kaibigan ko,” singhal ni Jackie, halatang handang sugurin siya nito anumang oras. Kung hindi ko gagawin ‘to, malinaw ang pwedeng mangyari, mauulit at mauulit lang ang ganitong tagpo namin hanggang sa hindi ko siya pinagbibigyan sa gusto niyang mangyari. Nasa isang pampublikong lugar kami kaya hindi niya ako magagalaw. “Jackie, ayos lang. Papakinggan ko na lang siya. Mas mabuti na ng matapos ‘to kaysa patuloy siyang umaaligid sa akin,” pangungumbinsi ko sa kaibigan ko na hind
Read more