Mr. Miguel “Mommy, can you please stop ruining all my plans!” Sigaw ni Stephanie sa ina niyang nakahiga sa kama dahil sa trangkaso. “Sa lahat ng araw na pwede kang magkasakit, ngayon pa talaga!” “Anak, hinaan mo ang boses mo…sumasakit lalo ang ulo ko,” mahina ang sagot ni Rosalina. “Hindi naman namimili ng araw ang trangkaso, hija.” “Wala akong pakialam sa ulo mo, Mommy!” lalo pang lumakas ang sigaw ni Stephanie bago umalis ng kwarto na parang nagmamartsa sa inis. “Hmph!” “Anak, ano na naman ang nangyari at mainit na naman ang ulo mo?” tanong ko habang inilalapag ang cellphone kung saan ako nagbabasa ng balita, nang bigla siyang pumasok sa sala at naupo sa tabi ko, nakabusangot at naka-krus ang mga braso sa dibdib. “Daddy, hindi ako tinutulungan ni Mommy…” “Ano na naman ang hindi ginawa ng nanay mo, hija?” “Gusto ko sanang makita kahapon ‘yung wedding dress ko, pero ‘yung asawa mo, nilagnat lang naman at malayo pa sa bituka—sinabing sa susunod na linggo na lang kami pupun
Read more