Isabelle Ang daming nangyari. Pagkahatid sa akin ni John pauwi, kalahating tulog na ako dahil sa matapang na tsaa ni Ate Jocy. Nang magising ako, gabi na at naroon si Isla, nakaupo sa gilid ng kama ko, nakatitig sa akin na may maamong ngiti. “Hi, good morning, Sleeping Beauty,” biro niya ng mahina. “Hi, Isla,” bulong ko, garalgal pa ang boses sa antok. “Kumusta ang pakiramdam mo?” “Masama,” aminado kong sagot. “May fiancé siyang pakakasalan, may ex na nakakapit pa rin sa kanya. At ang pinakamasakit? Pakiramdam ko, siya ang totoong hinahabol niya noon pa man.” Napabuntong-hininga si Isla at lumapit pa sa akin. “Hmm, anyway, kinausap ko ang kapatid ko. Sasabihin ko sayo ang totoo—dahil karapatan mong malaman. Hindi na ikakasal si River. Tinapos na niya lahat nang malaman niyang hindi buntis si Stephanie.” Napakurap ako. Teka, tama ba ako ng dinig o nanaginip pa ako. “Ano?” “May kinalaman iyon sa test na pinagawa niya. Pero ang mahalaga, nagsinungaling siya. At tinuldukan
Read more